Kabanata 12

11 0 0
                                    






Someone





Isang van na lang ang ginamit namin. Medyo bigatin at pribadong mga tao ang kasama namin kaya may kasunod kaming security.

We will use the choppers of Matt. Bawat isa yata ay kaya lamang magsakay ng apat maliban sa dalawang piloto. Since Third and Matt are licensed pilots then they'll fly two and another will be for the security.

Magkasama kami nina Mint at Claude sa isang chopper. Tila naman pinagkanulo ng magkakaibigan si Sugar kay Matt. Sila lamang sa isang chopper kasama ang dalawang security.

"Ate! Why are you doing this to me?!" Sigaw ni Sugar nang sumasakay na kami sa chopper. Humarap lang si Minteria na blanko ang mukha sa kapatid. Then she looked at Matt.


"Tame that little girl Matthew. Thank you in advance." Saka siya umakyat sa chopper. Napailing kami ni Third habang tawa naman ng tawa si Matthew.


"Are they really like that?" Tanong ko kay Third.

"Hindi. Pinagbibigyan lang ni Mint yan para daw hindi na kidnapin ni Matt si Sugar. Halata naman kasi na patay na patay si Matt kay Sugar." He smirked while he fixed my seatbelt. Nang masiguro na ang higpit nun ay inayos na niya ang kanya.

He asked me to wear my headphones. May mic iyon tulad ng suot naming lahat nina Mint.

"Can you hear me Kat?" Natatawang tumango ako.

"I do." Ngumiti siya at may kinausap sa radio. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pag-angat ng sinasakyan naming chopper.


I feel giddy. Tila nakikiliti ako na inaalon. Napahagikgik ako.

"Are you okay?" Takang tanong ni Third. I laughed.

"Nakikiliti yung paa ko eh. I feel something in my stomach too. It tickles." Tumawa ako lalo. Mint hysterically laughed too.


"Shit ako rin!" Natawa ang dalawang lalaking kasama namin.


It took around 45 minutes of laughing for Mint and I. Halos kabagin ako nang makababa na kami. They asked for food na tinanggihan namin parehas ni Mint.

"Ang sakit pa ng tiyan ko sa sobrang tawa eh."

"Drink a glass of wine to calm your nerves Mint." Sambit ni Claude. Bitbit niya ang maleta nilang dalawa habang papasok kami sa beach house ni Third.


Napakaganda ng bahay na iyon, it is a two storey house. The white and blue paint of the house gave a cool effect in the eyes. Maganda ang disenyo nun na naayon sa ganda ng asul na asul na tubig dagat.

Napapaligiran din iyon ng mayayabong na puno na nagsisilbing lilim ng ilang mesa sa bakuran.

Bukas ang pinto na halatang gawa sa purong narra. The house is fully furnished. May kahoy rin na mga upuan sa sala. Nasa dulong bahagi nun ang flat screen na tv. Nilingon ko ang kusina at kitang kita ang puting pintura doon na naadornohan ng tila kawayan na disenyo pababa sa sahig.


"Ready na ang mga kwarto sa taas. Anim iyon isa isa tayo." Sambit ni Third.

"Wow akala ko naman sosolohin mo si Kat sa kwarto Third. Who knew you'd be gentleman." Parunggit ni Matthew.

"Hindi pa naman ako desparado tulad mo dude." Tawa ni Third na kinasimagot ni Matt pero di na siya nagreact pa.

Kami ni Mint ang hindi na nakatawa dahil naubos na habang papunta pa kami rito.

"Sinong desperado?" Takang tanong naman ng kapapasok lang na si Sugar. Lalong natawa sina Third at Claude. Sumimangot lalo si Matt.


Napailing na lang kami at umakyat na sa kwarto. Nang nag-aayos na ako ng gamit ay tumunog ang telepono ko. I saw Dad's name on the screen. I felt sour all of the sudden. I declined the call and turned the phone off.

May kumatok sa pinto ko kaya binuksan ko iyon. I saw Third on his black V neck shirt and board shorts.

"Tapos ka na mag-ayos? The weather is good. We can take a walk." Iniwan kong bukas ang pinto para makapasok siya.

"Wait for a bit. Inaayos ko na lang yung toiletries ko. Sina Mint?" Tanong ko habang kinukuha ang bag ko na may lamang gamit panligo.

"Mamaya pa yun. Iidip yata. This is why you smell lavander." Inangat niya ang ilang shower gel ko at mga lotion.

"Yep. I love lavander. Give me that." Inabot ko ang mga lotion.

Isinalansan ko ang lahat ng gamit sa harap ng salamin sa banyo.

"I love your scent." Halos manigas ako sa pagbulong niya. Napangisi ako.

"Shut up." Tumawa lang siya. Inirapan ko nga.

Hinawakan niya ang kamay ko at iniharap ako sa kanya. Pinatakan ako ng halik sa tungki ng ilong.

"Ang landi mo Third." Umiling ako.

"Sayo lang naman. You want to stay at home? We can just cuddle here." He smirked. Nanlaki ang mga mata ko.

"Third!" Sigaw ko.

"Kidding. What do you want to do?" Tanong niya at naupo sa kama.

"I want to sleep for a bit. I feel a little tired." Sumandal ako sa hamba ng pinto ng banyo. He looked at me a little longer than usual. Tila ba binabasa ako. Umiwas ako ng tingin.

"Can I stay here while you sleep?" Tantya niya.

"Hmm. Why?"

"You look sad Kat. What happened?" Concern etched on his husky voice.

"I feel a little down." I honestly said. Well, it has always been so easy telling him how I feel. Tila ba lagi siyang handang makinig. "Dad called. Feeling ko kalokohan lang lagi ang kayang sabihin ni Dad. I just want him  to leave me alone. Ayoko rin na may makuha siya sa akin na kahit na ano. I never learned how to talk to him. So I don't know how I can I shoo him away." Napayuko ako.

"You can choose to cool down first Kat. It's exactly why we're here. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na makipagusap. You know that." Inabot ni Third ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.

"I know.. I just.." umiling siya at pinisil ang kamay ko.

"Forget for awhile love, forget your worries, pain, past and problems. Just live for today. Live for the present for once." Inilubog niya ang mukha sa tiyan ko at niyakap ako ng mahigpit sa bewang. Nangilabot ako.

"How.." hinawakan ko ang likod ng ulo niya. Mariin akong pumikit nang maramdaman ko ang pamimintig ng mga iyon sa nagbabadyang luha.

"Just let go of your pain Kat. Nandito ako. Hindi kita iiwan." Those words. Those words are the ones I longed for in my life. Those are what I wished for.

Someone who will stay. Someone who won't die. Who would assure me that he'll always be there no matter what.

Can he really? Will he?

"How can you say that? What if.. what if-"

"Shh.. I told you Kat. I intend to stay. If I have to defy death for you, I will. Let me stay." Lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

Loved (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon