Chapter 16: Spill the Tea

Start from the beginning
                                    

Sino siya?

Sinulyapan ko si Taka.

He looked clueless.

Tinitignan niya lang din si ate Gigi.

"Ate Gi..." Lumapit ako agad sa kanya para tulungan siya sa mga dala-dala na.

Nagmano ako agad.

"Tulungan ko na po kayo--"

"Ayos lang ako Kris kayang-kaya ko na tong bitbitin."

Nakita kong tinignan na naman ulit ni ate Gigi si Taka.

"Magandang gabi ho..."

Ibinaling ulit sa akin ni ate Gigi ang tingin niya bago batiin pabalik si Taka.

"Magandang gabi rin sayo hijo."

Nakaramdam ako ng kaba habang naguusap silang dalawa lalo na ng madinig ko ang sumunod na tanong ni ate Gigi.

"Ikaw ba yung naghatid sa kanya kahapon?"

"Opo.. Ako nga po "

Nilapitan siya agad ni ate Gigi.

"Hala tara pumasok tayo don sa loob ng makapagkwentuhan naman tayo. Tamang-tama dito ka na din kumain madali lang naman tong ulam lutuin."

Sinulyapan ako ni Taka.

Sa saglit na segundo na yun pakiramdam ko humihingi siya ng tulong sa akin.

Hindi niya alam ang sasabihin o isasagot.

Bago pa siya makapagsalita at bago pa ako makaisip ng sasabihin hinawakan na siya ni ate Gigi sa braso at hinila papunta don sa pintuan.

"Ayos lang ba yun sayo?"

"Uhhh... Ayos lang po."

Gusto kong itago na si Taka sa mga oras na yun kung pwede lang. Hindi naman sa ayaw kong makilala siya ni ate Gigi pero hindi pa kasi ako handa na ipakilala si Taka sa kanya lalo na't biglaan tong nangyare.

Di ko naman akalain na magaabot silang dalawa rito. Kinakabahan na ako kasi kagabi halatang gustong kilatisin ni ate Gigi ang lalakeng naghatid sa akin.

Pakiramdam ko tuloy mapapaginitan na naman si Taka sa mga oras na to.

Kinakabahan talaga ako.

Sumunod na ako sa kanilang dalawang pumasok bago tuluyang isarado ang pinto.

Sinundan ko silang dalawa ng tingin.

"Maupo ka muna dyan ha. Saglit lang to..." Si ate Gigi dumiretso don sa kusina at si Taka heto para siyang musmos na batang naliligaw.

Tinitignan niya ang paligid niya.

Hindi ganun kalakihan ang space sa loob dahil nga boarding house may maliit lang na parang accomodation area para sa mga taong bibisita. Kaduktong non yung lutuan at yung cr. Sa second floor at third floor naman yung mga kwarto naming nangungupahan.

"Taka..."

Lumingon siya agad sa akin.

Nilapitan ko siya.

"Si ate Gigi yun. Siya yung land lady nitong boarding house." Pakilala ko sa kanya don sa babaeng humila sa kanya dito sa loob.

A Night with The FrontmanWhere stories live. Discover now