✅Chapter 47: Yant's Party (part 2)

Start from the beginning
                                    

Eto na ba? Sa mismong kaarawan nya pa na dapat ay sasagutin ko na siya?

Pumayag ba siya sa kasal?

Puta sabi niya hindi siya papayag!

"Besh.." pagalo sakin ni Jhira. Napansin ata niyang may tumutulo ng luha sa mga mata ko. Sino bang hindi iiyak kung dapat ikaw ang kasama niya doon!

"I'm okay. Mag-enjoy ka" i wiped my tears alam kong mukha na akong ewan dahil siguro kumalat na ang eyeliner ko sa mukha. "Cr lang ak-"

"Ehem. Everyone wag muna kayong gagalaw kung saan man kayo naroroon. I just want to say something between me and Yant " walang iba.. kundi si Athena. Maganda siya sa ayos niya talagang pinaghandaan. napairap nalang ako sa naisip ko. "Due to unforeseen circumstances, napagdesisyunan ng pamilya ko at ng pamilya ni Haze na kami'y magsama na ni Yant."

Nag-ingay ang lahat na parang kinikilig sa nangyayari, nakita kong si Kill maski si Tamer ay nag-aalalang nakatingin sa'kin.

"yant and I are getting married That's a goodnews right?" She said. "Am i right Zaira?"

Sa pagtawag niya ng pangalan ko nagsitinginan ang mga tao sakin. Marahil kilala na nila ako dahil sa pagiging brain queen ko at sa pinakaiinisan ni Chesika sa Campus. Wala naman akong pakealam sa mga taong nakatingin sa'kin, ang kinaiinis ko hindi makatingin sakin si Yant.

Hindi niya ba pinagsisihan yan? Nakasakit na naman siya ng damdamin? Akala ko ba he wants to forget his ex pero ano yan mas maaalala niya yan dahil kapatid niya yan!

Ako din naman ata yung tanga dito e, sinabihan na akong hindi nagseseryoso si yant pero sumugal pa din ako. Pero mas okay ng hindi ko pa sinasagot si Yant, hindi masyadong masakit.

Dahan dahan akong tumango kay Athena. I don't know kung saan niya nalaman ang pangalan ko. "Yes. Congrats"

"Nice, how 'bout you Yant. What do you want to say to all the students who are at your party? "" Baling niya kay Yant na nasa iisang gilid pa rin ang tingin. Nawala ang ngiti niya siguro'y nakita na niya akong nandito.

Hindi sumagot si Yant kaya sandaling nanahimik ang mga tao.

Naghanap ako ng pwedeng mauupuan dahil nanghihina ang tuhod ko dahil sa inis, lungkot na nararamdaman ko.

Kung dapat pala aral nalang ang ginawa ko hindi mangyayari sa'kin 'to.

"O-kay, let's enjoy the party guysss-"

Natahimik ang lahat sa hindi inaasahang bisita. Lahat ng atensyon ay nasa lalaking nakatayo malapit sa'kin, nakita ko ang pagkakuyom ng kamao niya habang masamang nakatingin sa stage.

Nakita ko din ang pagkagulat ng mukha ni Athena.

"Invited ba ako dito?" He said.

Agad ko siyang nilapitan at pinahinahon. "Kuya Zero wag kang gagawa ng gulo please."

Tinignan lang ako ni Kuya Zero at humarap ulit sa stage. "Akala ko birthday party 'to bat naging engage party ata?" Sarcastic na pagsasalita ni kuya.

✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)Where stories live. Discover now