✅Chapter 2: Tuition Fee

4.9K 118 8
                                    

Zaira's
P

oV

"Ehem..."

Nagulat ako sa gumawa nun, pagpasok ko pa lang kasi sa bahay na inuupahan namin ay bumungad na sa'kin ang nakatitig na galit na si mama.

Napalunok ako, sabi na nga ba eh, dapat talaga di na ako sumama sa babaitang yun! Pahamak!

Lumapit ako kay mama na nasa mismong gilid ng pinto, nakapamewang. Nagmano ako,

"Ahm.. mama, s-sorry po l-late na ako n-nakauwi." Nauutal kong sabi, kahit kasi ganito ako, tiklop pa rin talaga ako sa mama ko.

Nakatitig pa rin sakin si mama na kina-aayawan ko.

"Bakit ka nga ba na-late Zaira? Uwi ba ng matinong babae ang alas-otso ng gabi?!" Galit na sabi ni mama sa'kin, kaya napayuko na lang ako. "Zaira, sumagot ka."

"Ano ba yan ang iingay niyo! Kung mag-aaway kayo, sa labas kayo! Mga putch*! Magpatulog naman kayo!" Sigaw ng lasinggerong bwisit na ama ko.

Napairap nalang ako ng palihim, paepal kasi yung isa dyan.

"Zaira, san ka galing?" Mahinahon pero medyo galit na sabi ni mama, mahina na to para siguro di marining ng gag* kong ama, nakakahiya naman kasi.

"M-ma, sinama kasi ako n-ni Jhira.."


Sandali ako'ng napalunok dahil sa kaba, minsan kasi nasisisi niya si Jhira dahil sa'kin, di ko manlang maipagtanggol si Jhira dahil ayokong sinasagot si mama. Yun na yung panata ko, kahit alam kong kaya kong lumaban nananatiling tikom ang bibig ko. Alam ko kasi yung hirap ni mama para sa'kin----



"Tabi nga."

"Aray ahhh!" Inda ko sa braso kong nasanggi ng isa pang pisti sa buhay ko... ang kuya Zero ko. Bagay sa kaniya yung pangalan niya promise, palaging zero sa exam, quizes pati sa seatworks

Tamad mag-aral.



Sa madaling salita, kabaliktaran ko siya. Pero gwapo rin yang lalaki na yan, matangkad--- scholar din siya sa E.W.H kasi Captain siya ng basketball.




Gaya nga ngayon may pupuntahan yata ang mokong. Nakaporma kasi,


"Haharang-harang kasi----aray, ma.." sabi ni kuya habang iniinda yung pingot ni mama sa tenga niya, lalayas ka pa huh.


"Ayan.."bulong ko.


"San ka pupunta Zero?!"



Napakamot ng ulo si kuya, hindi pala nagpaalam. Epal kasi eh.



"M-ma, d-diyan lang a-ako---- aray mama, hindi na.. hindi na ako aalis, masakit.." parang asong pagmamakaawa niya. Ganun din si kuya, nangako siya na hindi niya pagbubuhatan o kahit ano pang pwedeng pananakit kay mama.



"Magsibalik na nga kayo sa kwarto. Kakain na tayo" ani ni mama na naglakad pabalik ng kusina.






✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)Where stories live. Discover now