✅ Chapter 40: Ouch

3.1K 67 1
                                    


Zaira's PoV

First time kong matutulog sa bahay na 'to, sobrang lambot ng kama at sobrang lamig pa, sa bahay kasi na isa may electric fan nga pahigop naman yung hangin.

Patalon akong nahiga sa malambot na kama at dinamdam kung gano kasarap matulog sa ganito. Syempre namimiss ko yung katabi kong ang lakas maghilik, tas pag-gising ko ay tulo laway lagi. Ngayon solo ko ang kwarto.

MAMIMISS KO YUNG BAHAY NAMIN (TT^TT)

I went around my room, yeah, it's fully equipped, I have a tv and my own walk in closet, I got up and went to the closet, I opened the door and I was really surprised

"Wtf! Ang dami" manghang sabi ko sa laman ng closet ko, sobrang daming damit sa pagkakatantiya ko ay nasa isang daan pares ng nga damit. Halos lahat ay mahal ang tela.

Nang maka-moveon na ako sa closet ko nagpunta naman ako sa cr, mas malaki naman ang kaibahan nito sa cr namin. Ito naka-tiles, bath tub, shower at kung ano-ano pang naka-boteng produkto.

Halos puro pink ang makikita mo dito, nakaka-asiwa man dahil hindi ko naman trip yung pink.

GIRLY NAMAN MASYADO

Nang makuntento na ako sa paglibot sa kwarto ko naupo na ako sa kama ko. Hindi ko naman akalain na magkakaroon kami ng sariling bahay at lupa. Tapos ang laki at ang ganda pa, sabi ni Kuya Zaker binili niya ito at pina-ayos. Sa kaniyang pera nanggaling yung pera sabi niya'y ipon niya galing sa Illegal thingy niya. Wag nalang daw akong maingay kay mama.

Sinabihan ko na si Kuya Zaker na kung titigil na ba siya sa paglaban sa kung san-san, pero ayaw niya. Lumaki na daw siya don kaya hinding hindi niya yun iiwan.

S

a kaka-isip ko di ko namalayang nakatulog na ako-

"Wake up, hey wake up."

"Hmm.." tanging sabi ko. Inaantok pa ako, ang sarap matulog kasi ang lambot! Lambot ng kama. FIVE MINUTES MUNA.

"Zaira." Ma-otoridad na niyang sabi.

I know na si Kuya Zaker to pero hindi ko kayang idilat yung mata ko (~_~)

"Wait lang.." i said tsaka nagtalukbong ng kumot.

"I said wake up!"

Agad akong napabangon dahil sa hindi kalakasang sigaw ni Kuya Zaker. Nagamit na niya sa'kin yung boses niyang ginagamit niya sa mga ka-gang niya.

YAN GALIT NA!

"Gusto pa sinisigawan. you have your exam today, so take a shower. I'll take you to your school "

"Okay." Sabi ko habang naka-upo pero ang diwa ko ay tulog pa din.

I swear sobrang sarap matulog.

"Zaira."

"Okay, okay. Maliligo na" tamad akong tumayo at tamad ding naglakad, inaantok pa ako. Dati naman hindi ako ganito kapag umaga na nagigising naman ako agad.

Dahil sa pikon na pikon na si Kuya naligo na ako. Mabilis lang at hinanap ko nalang yung shampoo sa tray dahil kung ano-ano pang ilalagay sa buhok ang nandoon. Halos sampung minuto lang akong naligo.

Nang maayos ko na ang sarili ko lumabas na ako.

Infairness ang sarap talaga matulog.

Nakita ko na si Kuya Zaker habang nakasibangot na. "Kuya hehe"

✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)Where stories live. Discover now