✅Chapter 45: Athena

2.9K 66 0
                                    


Zaira's PoV

"Oo alam ko, sana naman oras na mapagtagumpayan ko yung mision ko may papremyo ako." Sabi ko habang nasa kotse pa din kami.

Dahil sa sinabi ko tinignan niya lang ako. "Ano?"

"Seryosohin mo lang ako masaya na ako."


Yun lang naman ang gusto ko. Ayokong ako yung nagseseryoso samantalang siya ay pinaglalaruan lang ako, sobrang unfair nun sa side ko.

Pero ayoko ding napipilitan lang siyang ibigin ako, ang panget talaga non.

"Oo naman. Basta ba makalimutan ko na siya." Nakangiti niyang sabi sakin. Ginantihan ko din siya ng ngiti.

Ngayon ko lang na-realize na ginagamit niya lang ako. Pero alam ko naman na mabuti naman yun para sa kaniya gusto na niyang makalimot kaya tutulungan ko siya, ayos lang naman talaga sakin yon, why not? Oras na makalimutan niya ex niya ayos na kami.. pwede na kami.

Sana lang talaga.

Matapos nun hinatid na niya ako sa bahay at nagpaalam na may pupuntahan lang siya saglit.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong ko, nalate na nga siya kanina tapos may pupuntahan pa siya?

"Kilala mo si Athena?" He asked.

Athena? Pamilyar sakin yung name, narinig ko na siya dati pero hindi ko matandaan kung saan?

SAAN BAAA?

Nang mapansin niyang hindi ko maalala kung sino 'yon nagsalita na din siya. "Kapatid ni Ashera."

Ahh! Oo nga! Siya yung kausap ni Yant nung nasa parking. Natatandaan ko na nag-aaway pa sila noon dahil kay Ashera. Oh? Ano namang meron kay Athena?

"Oo kilala ko, ano meron sa kaniya?"

"She Still unable to move on to Ashera's death, he went to me earlier, she kept saying that I had to pay for her sister's death. ." Medyo inis niyang kwento sakin.

Ano bang kailangan ni Athena pa kay Yant? Hindi naman pala kasalanan ni Yant na nagpakamatay si ashera, sila yon! naikwento nga ni Yant di'ba na kaya siya nakipaghiwalay ay dahil sa ayaw sa kaniya ng pamilya ni Ashera, oh ano pang pinuputok ng butse nila?

Gigil niyo ko.

"Para daw makabayad ako sa kanila may hinihingi siya sa'kin. Puta lang talaga" at dahil sa naisip naman niya yon napakuyom siya ng kaniyang kamao. Medyo lumayo ako baka ako masuntok.

"Anong hinihingi? Pera ba? Ano?"

Umiling siya. Pilit niyang  pinakalma ang kaniyang sarili bago nagsalita. "Hindi. Gusto niyang hingin yung kalayaan ko."

Kalayaan?

Ikukulong nila si Yant? potek hindi naman ata pwede yon! Wala namang kasalanan si Yant! Hindi niya pinatay si Ashera.

✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)Where stories live. Discover now