✅Chapter 3: I Don't Care

4.6K 127 2
                                    

Zaira's
PoV

Maaga ako'ng nagising dahil ginising ako ni mama, oo sa tulong ni mama, hindi kaya ako nagigising ng maaga, late nga ako palagi di ba? Lalo na kapag wala si mama at nagpupunta a palengke buti na lang nagising ako ni mama. Tsaka wala ding kwenta tong kapatid kong aso, late din to magising!



"Maligo ka na, may pagkain sa ibabaw ng mesa, umuwi ka ng maaga Zaira, kababae mong tao layas ka. Tsaka Sumabay ka sa kuya mo pag uuwi ka na mapanganib sa labas." Mahabang litana ni mama.


Pasok sa loob ng tenga labas sa kabila.



"Opo mama. Maliligo na po ako, pagising na lang mama yung tulo laway niyong anak na batugan." Sabi ko bago ako bumangon tsaka nagpunta sa cabinet. "Goodluck ma kung magising mo yan, kala mo araw-araw ha-hybernate."


Nagpunta ako sa banyo habang hawak-hawak ko yung twalya. Nakasalubong ko ang magaling kong ama na may hawak na alak tsaka sigarilyo, palabas siya ng bahay. Bahala siya kahit san man siya magpunta. Umagahan, tanghalian, hapunan. Alak ang hawak tang'n*




Napairap na lang ako habang iiling-iling, nagpunta ako sa cr tsaka nagsimulang maligo.. sandali lang ako'ng naligo tsaka nagsipilyo. Pagkalabas ko ng cr sumalubong sakin ang tulo laway kong kapatid.


"Kadiri naman" bulong ko dahil may panis na laway pa sa gilid ng labi niya.

Laki-laking tao tulo laway pa. Kadirii.



"Ano sabi mo?"

Umiling ako tsaka isinampay sa labas yung twalyang ginamit ko, nagpunta ako sa kusina para maghanap ng makakain---- wow! Itlog tsaka pandesal. Buti hindi kinain ng ama kong magaling.


Napatingin ako sa wall clock--- alas sais pa lang, and that's good for me. Maaga akong nagising hindi ako male-late pumasok kasi sasabay ako kay kuya. Nakakainis lang kasi ayaw niya akong isabay, buset lang



May sarili kasi siyang motor, ipinundar niya ng nagpart-time job siya. Gusto ko nga rin pero ayaw ni mama.

Agad kong nilantakan yung pagkain ng mamarinig ako ng sigaw ng aso---


Este ng kapatid ko..


"Wag mong uubusin yung itlog!" Sigaw niya sa loob ng cr.


"Bahala ka diyan ang bagal mo" balik na sigaw ko. Pero bago ko pa isubo ang panghuling ulam lumabas na siya habang nagkukusot ng buhok, agad niyang inagaw yung tinidor tsaka agad kinain. "Teka! Akin yan ah!"





Nginitian niya ako ng nang-aasar tsama nagpunta sa kwarto. Napairap naman ako dahil sa inis, nagpunta na lang din ako sa kwarto. Nakabihis na kasi ako ng simpleng white t-shirt tsaka jeans, suot-suot ko yung sapatos na bigay sakin ni Jhira, maganda kasi to imbis na itapon niya na lang ibinigy niya sakin.





Itinali ko ng pony tail ang buhok kong abot hanggang siko ko, nang makuntento na ako, agad ko ng kinuha yung bag ko, natanaw ko si kuya na nakabihis na rin. Tsk! Dapat ako kakain nung itlog eh, mang-aagaw.




✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)Where stories live. Discover now