✅Chapter 31: Suicide

3.3K 81 4
                                    


Zaira's
PoV

"Ano ba yang pinagsasabi mo?"

He want me to be his girl for a month? At kapag nakalimutan niya yung ex niya magsasama na kami habang buhay?

"Narinig mo naman di'ba." Sabay irap niya at umiwas ng tingin.


Oo narinig ko yun kasi di naman ako bingi! "Oo. What i mean is seryoso ka? Gago ka gagawin mo pa akong panakip butas mo."

Pilit kong pinawala ang kaba sa boses ko, ayoko namang ipakita sa kaniya na naapektuhan ako sa sinabi niya! Kailangan maging palaban pa din ako sa paningin niya kahit alam kong anumang oras ay tutumba na ako sa panghihina ng tuhod ko dahil sa kaba.

Makisama ka tuhod!

Tsaka na-realized ko lang na kung papayag ako sa gusto niya ang labas ko lang ay panakip butas,

Pano kung di niya makalimutan yung tegi niyang ex? Edi kawawa ako.



Hulog na hulog na ako samantalang siya minamahal pa din yung ex niya.

Oo may gusto ako kay Yant pero ayoko ding i-sacrifice yung nararamdaman ko. Ayokong isugal to kasi kapag walang nangyari sa loob ng isang buwan na 'yun at napagtanto nga niya na mahal pa nya ang ex niya masasaktan lang ako at ayokong mangyari 'yon.

"Do i look like i'm joking?" Tumayo siya at nagpunta sa isang kwarto. sa walk in closet niya na punong-puno ng damit. Agad din siyang lumabas at nakabihis na siya ng simple white shirt at pantalon. Oh-kay. "Let's go."

"H-ha?" Alangan kong tanong. "Saan naman?" I asked, bigla biglang mag-aaya sa kung saan! Ayoko namang dalhin niya ako sa motel at- nvm.

"Basta." Maikli niyang sabi, malamig siyang nakatingin sa'kin na parang wala siyang sinabi sa'kin kanina.

Nakaka-inis! Siya wala manlang epekto yung mga pinagsasabi niya sa'kin samantalang ako? Nanghihina pa din ang tuhod at di sigurado kung kaya ko bang maglakad pa.

"Sabihin mo muna kung san tayo pupunta"

"Somewhere." He said.

"Tangna sagutin mo kaya ako ng maayos." Sorry for the word. Kakagigil eh.

He sighed in frustration, napakamot siya sa kaniyang buhok at masama akong tinignan na parang inis na inis na siya sa'kin dahil sa dami kong tanong.

Kasalanan ko ba na uunahin ko muna kaligtasan ko? Syempre kahit alam kong ligtas ako kay Yant iba pa din kasi-- basta!

Na-trauma na din siguro ako sa ginawa ni Null na kuya ko pala.

"Pwede ba wag ka nang madaming tanong! Tsk" then lumabas siya ng kwarto habang nakakunot ang noo.

Aba!

Bahala na. May tiwala naman ako sa ungas na'to. "Wait lang!"

~*~

Nakasunod ako kay Yant habang palabas ng mansion, nagpaalam pa siya sa mama niya na aalis lang muna kami saglit, agad naman pumayag si ma'am Dragina dahil malaki naman na tong si Yant, pa-baby lang minsan.

Sumakay na siya sa kotse niya kaya sumakay na din ako, tahimik lang siya habang inaantay akong maka-sakay.

"San mo ba ako balak dalhin Yant?!"

✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora