"Tulog na naman sina Mama. 'Wag kang mag-alala." pahabol pa nito.
Sinabayan ako ni Leo kumain. Kumakain siya ng chips habang may pinanonood sa cellphone.
"Adik ka na talaga diyan 'no? Tingin nga ako!" dinungaw ko ang screen ng cellphone niya at natawa sa pinanonood niya.
"Bakit ba? Mahal na mahal ko 'tong si San Chai e." pinakita niya pa sa'kin ang isang scene kung saan duguan ang dalawang bida.
"Huh, Hua Zi Lei pa din." nakakamiss rin magkaroon ng oras para sa mga palabas gaya nito.
"Kay Dao Ming Si talaga ako. Kamukha ko, e." binatukan ko si Leo at nagkunwaring nasasamid.
Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan ay umakyat na rin kami at nagpahinga. Sa bahay na ito, naninigurado akong dalawang tao lang ang nagmamahal sa akin. And that thought alone, made myself happy. Yes, there might be a few people who loves me, but I know it is more than enough. I smiled until I fell asleep.
Inumpisahan ko ang araw ng Sabado sa pagbili ng almusal namin ni Mama. Pagkatapos namin kumain ay naglinis ako ng pinagkainan pati na rin ng aming kwarto. Maaga akong gumigising dahil ayokong maabutan sila Tita Cherry sa baba. Bago maligo ay binuklat ko muli ang mga libro, inayos ang powerpoint presentations at pati na rin ang iba pang written works.
"Napakasipag! Manang-mana ka sa tatay mo." bumungad sa akin ang ngiti ni Mama pagkasara ko ng aklat na inaaral. Inaabutan niya ako ngayon ng biscuit at juice.
"Ma naman, pinapagod mo ang sarili mo sa ginagawa mo."
"Veronica naman, mas lalong sumasama pakiramdam ko tuwing nakikita kitang nahihirapan." Mama mimicked my first line. Natawa ako.
"Okay lang po ako," I gave her my cheerful smile. You can fool everyone, but you can't fool yourself, Malia.
Bukas, ilalabas ko si Mama.
Dumaan ako sa apartment namin ni Desiree para mag-ayos. I matched my gray fitted dress with sneakers. Naglagay ng blush, powder, at lip gloss. Pagkatapos, nagmadali na akong pumunta sa bar. Muntik ko pang makalimutan yung gitara sa sobrang pagmamadali.
"Maaga ka yata ngayon, Lia?" biro sa'kin ni Mama Jee. My second mother.
"Siyempre naman, Mama Jee!"
"Hmm, you look extra beautiful today!" pinalo ako nito sa puwit at kinurot kurot pa ko. Nangigigil na naman.
Kinuha ko ang gitara at nag-set up na sa mini stage. Inayos ko ang instrumento muli bago isinaksak sa amplifier.
"Helga!" bati ko sa kararating lang. She's in charge with the keys.
Sunod-sunod nang nagsidatingan sina Yael, Von, at Kevin. Yael on vocals. Von our bassist. Kevin, drums.
"We'll have two sets for tonight. Five songs each set! Requests are accepted." Von's voice earned some screams from the crowd.
"Let's start the night with 'Stars!'"
Sinimulan ko sa pagtipa ng intro. Maya maya'y sumabay na ang ibang kabanda sa aming panimula.
Yael winked at me before holding the mic and closing his eyes.
"A picture of you reminds me how the years have gone so lonely, why do you have to leave me without saying that you love me?"
"If only you could hear me shout your name, if only you could feel my love again."
"The stars in the sky will never be the same."
"If only you were here..."
Sa di kalayuan, may mga pamilyar na matang nakatingin sa akin. I don't know his name, but I think I've seen him somewhere. Mayabang itong nakahalukipkip at naka de kwatro. If there's one thing I'm sure of, his stares surely irritates me. Iniwas ko ang tingin ko dito at pinagpatuloy ang pagtitipa sa gitara.
"Uy, kanina pa nakatingin sa'yo..." nginuso ni Helga yung lalaking nakakainis kung tumingin.
"Hayaan mo siya." kunot noo ako ng sinabi iyon at pumasok na sa backstage upang maghanda nang umalis.
Sinuklay ko ang aking buhok, takot na abangan nung lalaking nakatingin kanina. Sino 'yun? May atraso ba si Mama doon? Baka naman may utang si Papa sa kanya?
Bitbit ang gitara at shoulder bag, dere-deretso akong lumabas ng bar. Nakahinga ako nang maluwag nang walang lalaking naghihintay.
Dilim na nang makauwi ako, pagod na pagod ngunit pinili pa ring mag muni muni. What's better than sleeping? It's imagining the impossible.
What a way to end the night. I looked at the stars. Sa aming munting bahay, ito ang paborito kong parte. Sa bubong, kung saan natatanaw ko ang bituin. Dito, kung saan mapayapa ang lahat. Looking at the stars calms me, but sometimes it frightens me. Because starring at them is like fantasizing at all of my dreams in life.
Hindi mabilang, at hindi maabot...
YOU ARE READING
Strings of Memories
RomanceSugar, spice, and everything nice. The kind of life that every single person wants to have. Heck, even Malia Veronica Monteverde dreamed about having that kind of life. A perfect life for Malia is an impossible dream, maybe because she's got a life...
first string
Start from the beginning
