"Nahihirapan ka ba sa trabaho ngayon? Heard you've been juggling two jobs and studies." malungkot ang tono niya. Eyes are filled with unknown emotions while looking at the driveway.
"Kaya pa naman..." I bit my lip. Realizing my situation for the past three years.
He then looked at me and all I see was the sadness in his eyes. Niliko niya ang sasakyan at dumeretso sa isang drive thru. He ordered burger, fries, and chicken. The smell made me hold my breath.
Kinuha niya ang dalawang supot mula sa babae at iniabot sa'kin. "I figured you'll be hungry. The other one is for your Mom. Kamusta mo na lang ako kay Tita, ha?"
"Quin, salamat pero hindi kasi—-"
"It's okay."
Pagkatapos noon ay marami nang tumatawag sa kanya. Pure business I guess.
"Quin, maraming salamat. Very much appreciated." I smiled at him.
"Good night..." he smiled, a charming one. Susuklian ko na ang ngiti niya ng tawagin ako ni Tita Cherry.
"Go ahead and drive safe." mabilis kong sinarado ang kanyang pintuan at kinawayan siya. With that, the engine roared and I exhaled vigorously.
"Malia, ano 'yan? Pagkain? Akin na 'yan nang mapakain ko 'tong mga pinsan mo!" tinago ko sa likod ang isang supot bago niya pa ito matanaw. This is for my mom, my dear aunt.
I let out a fake smile. "Ito po, para sainyo." my supposed to be food is taken away. Okay lang, basta't may pagkain si Mama. This is her favorite, just let this one go, please?
Kinuha niya ito nang marahas, at pinagmasdan ito. Bubuka pa lang ang kanyang bunganga ng sumigaw si Gia mula sa bukana ng bahay. Ang pinsan ko.
"Nay! Tara, kumain na tayo!"
Without expressing gratitude, tumalikod siya at pumasok ng bahay. Sumunod ako at pumasok na rin pagtapos ilagay sa bag ang pagkain ni mama. Nakita kong sa hapag nila'y maraming nakahain. Dalawa ang putahe at nilalagay na sa plato ang binigay sa'kin ni Quin. Sa pamilyang naroon, tanging si Leo lang ang tumingin sa akin.
"Lia, kumain ka na ba?" tanong nito.
Tiningnan ako ng masama ni Tita Cherry. Tila ba nagbabanta.
"Ah! Oo Leo, busog na ako. Kumain na kayo." ngiti ko habang paakyat ng hagdan.
Binuksan ko ang pinto sa kwarto namin ni Mama. Nakita ko ang mata niyang napapalibutan ng itim, ang katawan niyang nangangayayat, at ang ngiti niyang pilit na pilit. Mama...
"Para sainyo po, pinapabigay ni Sir Quin."
"Kumain ka na ba 'nak?"
"Opo, Ma..."
Nilabas ko ang pagkain ni Mama at nilagay ito sa table. Nagsalin rin ako ng tubig sa baso. Pagkatapos nito ay inalalayan ko siya para makakain na ng maayos.
"Ang sarap naman nito. Kain tayo." I smiled at my mom. Her happiness is my happiness, too. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpasalamat muli kay Quin.
Hinintay kong matapos si Mama bago gumawa ng assignments. Mag-aalas onse na ng matapos ako. Nakita kong nakatulog na si Mama. Nilagyan ko ng kumot ang kanyang katawan at pinatay ang TV.
Lumabas ako at bumaba, naramdaman ang pagkagutom pagtapos ng gawaing pang-eskuwela.
Halos mapasigaw ako nang may makita akong anino sa dulo ng hagdan.
"Insan, nagutom ka?" si Leo lang pala. Nakahinga ako ng maluwag.
"Nauhaw lang."
"Nako, 'wag ka nang magsinungaling. Pinagtabi naman kita ng ulam." he winked at me.
YOU ARE READING
Strings of Memories
RomanceSugar, spice, and everything nice. The kind of life that every single person wants to have. Heck, even Malia Veronica Monteverde dreamed about having that kind of life. A perfect life for Malia is an impossible dream, maybe because she's got a life...
first string
Start from the beginning
