Naramdaman ko nalang na yumakap din sina Raven at DEN.

"Hindi naman kami aalis sa tabi mo Nathalia" sabi ni Raven at ngumiti ako.

"Salamat. Salamat sa inyo" sabi ko

Hindi sila nagsalita hanggang sa kumalas na sila. Tinignan ko lang yung picture.

"Gusto mo bang takpan ulit?" tanong ni DEN.

Umiling ako.

"Kaya ko ng tignan sila." sabi ko at nginitian ako ni Dara.

"We're here. Always remember that Bestfriend" sabi nya at tumango ulit ako.

May kumatok at si Raven na ang nagbukas.

"Paki-lagay na lang sa Center table" sabi ko sa maids na may dalang pagkain.

"Any idea's para mag-enjoy? " tanong ko.

"Uhm. Crush! Ilibot mo kami mamaya sa garden nya ha? Ang ganda kasi" sabi ni Raven at tumango ako.

"Movie Marathon?" suggest ni Dara.

"Spin the bottle?" -DEN

"XBOX!" masayang sabi ni Raven.

"Lahat!" sabi ko at tumango sila.

Una kaming nagspin the bottle. Dahil si DEN ang nagsuggest. Sya ang nagbigay ng instruction.

"Okey ganito, kung kanino tumama ang nguso ng bote ikekwento nya ang tungkol sa buhay nya. No KJ, ang secrets, satin lang dapat. Okey? Kaya ko ito na suggest, kasi parang ang dami kong kailangang malaman tungkol sa inyo." sabi ni DEN at tumango kami.

"Ikaw na Nathalia ang magpaikot" sabi ni DEN at pina-ikot ko.

"Wah! Bestfriend, bakit naman sa akin?" tanong ni Dara at napangiti nalang ako.

"Dali na!!" pilit ni Raven.

Nakita kong huminga ng malalim si Dara.

"Ang totoo nyan, Ako talaga si Dayna Rhianne Villapuerte." sabi nya at nakita kong napa-iling si DEN.

"Disguise ko lang talaga ang pagiging nerd. I was famous that time, I was also known as the so-called Simple Princess. Madaming kaibigan. Madaming manliligaw."

"Sabi ko na nga ba, ikaw talaga yan." sabi ni DEN na ikinagulat ni Dara.

"No questions muna DEN!" suway ni Raven.

"But then, may ipinakilala sakin si Kuya na bago nilang ka-tropa. That time magka-away na kayo ng kuya ko kuya DEN" sabi ni Dara

"Ewan ko pero, When I first saw him, parang may kuryenteng dumaloy sakin, everyday syang nasa bahay kaya naging magkaibigan din kami. Until, hindi ko alam na nahuhulog na pala ko sakanya."

Kumuha kami ng snacks. Nakakagutom kaya. Hehe..

"He asked me kung pwede nya kong ligawan. So think. Dumating yung araw na papayag na ko, but I saw him kissing a girl. Para kong nabuhusan ng yelo ng marinig ko lahat. That, hindi sya seryoso sakin. Yung mga tao sa paligid ko, ang habol nila ang kuya ko at pera lang. He is the Playboy!" sabi ni Dara na pinanggigigilan ang kamay nya.

"Si kuya talaga ang taga-pagtanggol ko. Hindi nya ko hinahayaang masaktan. Dahil lahat ng gumagamit sakin para lang mapalapit sakanya, lahat yun ginagantihan nya." sabi nya.

"Ang sarap ng cookies!" sabi ni Raven.

"Shut up!" sabay naming sabi ni DEN.

"Nagplano akong magpanggap as Dara Lopez. Isang nerd. At doon ko napatunayan na lahat ng taong nasa paligid ko non. Lahat plastic. Until dumating ka bestfriend! Nasabi kong, may tatanggap pala talaga sakin." masayang sabi nya at niyakap ako kaya niyakap ko rin sya.

The Pretender (Book 1 & 2)Where stories live. Discover now