35: Asylum

45 6 1
                                    


Operation: Make Him Jealous

Now Playing: Make It Right - BTS ft. Lauv

#MentalHealthMatters

————

"Nasa'n ka nanggaling, Steve? Ilang araw na kaming nag-aalala sa'yo nila Dad!" lumapit si Darcy kay Steve saka niyakap ito ng ilang saglit.

"Kumain ka na ba? Uh.. ipaghahanda kita ng makakain. Since naggrocery kami ni Mamá last night." sabi ni Darcy kay Steve, dali-dali itong nagtungo sa kusina ngunit siya'y pinigilan ni Steve.

"Bakit?" napatigil si Darcy.

"Kumain na ako." tugon ni Steve saka hinila niya si Darcy patungo sa kaniya.

"Anong m-meron?" utal na sabi ng dalaga. Nakaramdam ito ng kaba nang tinignan siya ni Steve sa kaniyang mata.

"Darcy!" natulala si Darcy kay Steve ng ilang minuto. Kinawayan pa ni Steve ang dalaga na natulala sa kaniya.

"Why are you looking at me like that?" Steve chuckled. Ilang minuto na nakatitig si Darcy kay Steve mula sa kusina. Natawa naman ang binata dahil ang cute ni Darcy habang siya'y pinagmamasdan lamang nito.

"Uh. Bakit anong nangyari?" ilang beses kumurap si Darcy, tila wala ito sa kaniyang sarili. "Ano ba ang nangyari, Steve?"

"Hmm. Teka, may nasusunog." napatayo si Steve sa sofa at nagtungo sa kusina. Nakita niya ang nilulutong Italian pasta sauce ni Darcy na nasusunog.

"Natulala ka sa akin habang nakaupo ka sa harap ng Countertop. You look cute nga eh." ngisi ni Steve habang inaasikaso niya ang italian pasta.

"Ay weh? I didn't know!" Darcy blushed, nahalata naman ito ni Steve.

Nasunog ang pasta sauce na sana ay ihahalo sa pasta para sa kanilang umagahan. Hindi na ito makakain pa kaya itinapon nalang ni Steve, thankfully hindi marami ang naluto ni Darcy kaya hindi gano'n nakakapanghinayang ang itatapon nilang sauce.

Habang tinatanggal ni Steve ang pasta sauce sa pan ay nasagi ito ni Darcy kaya natapon sa kaniyang polo at slacks.

"Sorry, hindi ko sinasadya! Sandali.." nagmamadaling kumuha si Darcy ng tissue. Mabilis siyang nakabalik ngunit hindi na suot ni Steve ang kaniyang polo leaving him topless.

Hindi naman siya napansin ni Steve kaya bumalik siya sa Pantry saka sinilip si Steve. Nasilayan niya na sinuot ni Steve ang kaniyang paboritong apron.

Muling lumabas ng pantry si Darcy kunwari wala itong nakita at walang nangyari.

"Do I look hot?" halos malaglag ang panga ni Darcy nang makita niya na bumagay kay Steve ang paborito niyang apron, kita pa rin ang matipunong pangangatawan ni Steve at ang v-line nito.

"Sorry, hindi ako attracted sa abs mo." Darcy mumbled. "Nagulat lang ako dahil bagay sa'yo yung paborito kong apron. Pero, it doesn't mean ibibigay ko na sa'yo 'yan."

"Pambata kasi 'yang apron na 'yan. Mukhang pedo ka tuloy, Char!" pang-aalaska ni Darcy.

"Yeah, alam ko na hindi mo talaga hilig ang abs, that's why I am into you. You're really different."

"Talaga ba?" kunwari'y hindi isineryoso ni Darcy ang sinabi sa kaniya ni Steve, pero siya'y na-flatter at kinilig.

"Uh. May gusto sana akong sabihin sa'yo." saglit na liningon ni Steve si Darcy na nakaupo lamang sa harap ng countertop. Abala naman si Steve sa pag-gigisa.

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon