4: People Come and Go

1.5K 88 13
                                    

***

Minulat ko ang sarili ko sa isang pamilyar na lugar para sa akin. Iginala ko ang paningin ko sa buong silid

Ito nga ang kwarto ni Liam.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya nagtulog tulogan ako, binalot ko yug sarili ko sa kumot at nagpanggap na natutulog ng mahimbing

"Your breakfast is ready, then leave later.." alam niya ba na gising ako, gosh! Naririnig ko yung boses niya, malalim ito at may pagka-sexy ang kaniyang boses, nakakahumaling..

"Darcy.."

"Darcy, I know you're awake" ugh.. ibinangon ko na yung sarili ko at tumambad yung tray table sa harap ko na may pagkain. Itlog, Bacon, Rice at Milk.

"Thanks.." agad kong nilantakan ang pagkaing inihain niya, nailang ako nang pinagmamasdan niya akong kumakain

Magrereklamo sana ako pero nanahimik nalang ako at binalewala nalang yung nakakailang na titig niya sa akin

"After you eat, get some rest. I got books you can read saka maligo kana later then leave my house at exact 11AM"

Napatingin ako sa relo ko pero wala pala akong dala, gusto ko pa sana magstay kahit sandali. Airconditioned ang buong silid kaya makakapagrelax ka

"It's 7:56 in the morning, you can swim, you can watch Netflix, just do what you want.." ang concern naman niya sa'kin. Liam is very concerned and hospitable lalo na sa mga bisita niya, kaya nga ako nahulog sa kaniya eh. Kaso iba na lahat ngayon, naglaho na yung dating siya. People Change

Lilibangin ko muna yung sarili ko para makalimutan ko na ang nangyari kahapon "You may watch Netflix, I'm going to take a bath.." nagpaalam siya sabay lumabas na ng kwarto niya

Hindi muna ako nanood ng movie sa Netflix, pumili ako ng libro na pwede ko basahin at sa ganon na paraan ko inilibang ang aking sarili.

Naputol ako sa pagbabasa nang muling bumukas ang pintuan "Can I take a bath here?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, hindi ko naman kwarto ito para magpaalam siya sa'kin. Tumango nalang ako sa kaniya saka tinuloy ko yung pagbabasa ng book

Muli na namang naputol ang pagbabasa ko nang lumabas ng banyo si Liam na nakatopless, tanging twalya lang ang saplot niya sa pangibaba

Nahagip na naman ng paningin ko ang chiseled six pack abs niya pati na rin yung kurba ng likod niya. Alam ko rin na may sarili rin siyang gym dito kaya capable siya magpalaki ng katawan. His body was also the same of Steve but his are toned.

"Am I disturbing you?" he stared at me, umiling ako

I saw him flexed his muscles, bakit dito pa!

Inangat ko pa yung libro para wala na akong mahagip.

Muli na naman akong nakarinig ng pagbukas ng pinto at nakita kong pumasok na siya sa walk in closet, kaya ibinaba ko na yung libro

Lumabas siya ng walk in closet suot ang navy blue na polo saka nakapares rin sa navy blue na shorts at puting sapatos.

"Do I look good?" inangat ko ang aking tingin saka napakagat ng labi

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon