30: Operation - A Life for A Life

272 17 2
                                    

Now Playing: Flash - X1

***

"Mom! Ano ang gagawin natin?" nagaalalang sabi ni Carlie, muli siyang sumilip sa bintana at kita niya pa rin ang mga pulis na nakaabang at nakapalibot sa safehouse.

"Is this even a safehouse? Bakit ang bilis nila tayong nahanap?!" natatarantang sabi ni Carlie. Mabilis na sinunggaban ni Aaron si Cooney saka siya tinutukan ng stun gun ni Veronica.

"Iligpit ang kalat" tinuluyan ni Veronica si Cooney saka nawalan na ito ng malay. Mabilis na hinila ni Aaron si Cooney pababa ng escapeway.

Sumunod na sina Veronica at Carlie dala ang kanilang mga baril.

Isinara na nila ang escapeway saka nilock ito. Kinadena ni Aaron si Cooney sa isang pole bago nila itong iwan ng walang malay sa escapeway.

"Sigurado ka ba na tama ang tinatahak natin?" hingal na sabi ni Veronica, patuloy pa rin sila sa pagtakbo papalabas ng safehouse.

"Alam ko naman na mangyayari ito, planado na ang lahat sa atin." saglit na nilingon ni Aaron si Veronica.

"Saan na tayo pupunta?" tanong ni Carlie

"Sa Pier." tugon ni Aaron.

"Bilisan niyo! Ilang segundo nalang sasabog na ang bomba sa safehouse." ikinagulat ito nina Carlie at Veronica. Nag-iwan si Aaron ng bomba roon at nakatakda na mamaya ang pagsabog nito. Kailangan nilang magmadali dahil baka madamay sila sa pagsabog.

Nakalabas na sila ng safehouse saka nagtungo sa kotse ni Aaron na nakaparada sa bakuran.

"Sakay bilis?!" sigaw ni Aaron, natatarantang pumasok ang mag-ina sa sasakyan.

5, 4

3, 2

1

Nakaandar na ang kanilang kotse bago sumabog ang safehouse. Sinigurado ni Aaron na malolock ang mga pulis sa loob kaya malabo na may makaligtas pa sa kanila.

"See?" mayabang na sabi ni Aaron, tanaw ng mag-ina ang pagsabog ng safehouse, nagsimula na rin masunog ang paligid nito at patuloy pa rin ang pagliyab ng mga Police Mobiles bago ito sumabog.

Nagsimula ng sumikat ang araw.

"Malapit na tayo sa pier." ipinabatid ni Aaron na malapit na sila sa pier.

"Mabuti naman." bagot na sabi ni Carlie. Hindi sanay si Carlie na bumabyahe na walang ginagawa. Ilang oras lamang siyang nakatunganga sa kotse.

Habang si Veronica ay pinagmamasdan ang kaniyang sarili sa harap ng salamin.

"May sumusunod sa atin." wika ni Veronica habang nakatingin ito sa salamin. Napansin niya ang isang kotse na kanina pa sumusunod sa kanila.

Ibinaba ni Veronica ang kaniyang salamin saka dumungaw sa bintana.

Dinukot ang kaniyang baril saka pinaputukan niya ang kotseng sumusunod sa kanila.

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon