14: Lights Off

678 34 4
                                    

Now Playing: The Middle by Zedd ft. Maren Morris & Gray

———

3rd Person POV

7:42PM

Ilang araw din pinaghandaan nina Darcy at Nikka ang kanilang susuotin sa party. Hindi rin nila nakalimutan na bumili ng Mask dahil ang tema ng party ay Masquerade

Ang damit na suot ni Darcy ay Pink Infinity Dress habang nakabun ang buhok nito at may suot na tiara. Si Nikka naman ay nakasuot ng Fuschia Evening Dress saka naka-braid

Hindi pa rin maiwasang kabahan si Darcy dahil baka mahalata siya agad ni Steve sa oras na magtagpo sila. Hinanda niya na rin ang mask na itatakip niya oras na makatungtong na siya sa Venue ng Party

"Hindi ba't kotse ni Steve ang nakasunod sa atin?" nakatingin ang driver nila Darcy sa rear mirror, natigilan si Darcy nang marinig niya ang sinabi ng driver nila na si Valentino

Ilang segundo din ang lumipas at lumingon si Darcy sa nakasunod na sasakyan at nakumpirma niya na sasakyan nga ni Steve ang nakasunod sa kanila.

"Pwede po bang pakibilisan niyo pa?" nakiusap si Darcy kay Valentino na bilisan pa ang takbo ng kotse ngunit nagsisimula na itong tumigil "Nandito na tayo Hija" tumigil ang limousine "Ano!?" nanlaki ang mata ni Darcy at hindi siya mapirme, nangangamba siya na baka makita siya agad ni Steve

"Paano kaya kung paunahin muna natin si Steve na makababa saka doon tayo lalabas" huminga ng malalim si Darcy at napahawak sa kanyang dibdib.

Kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya at sinilip niya ang labas upang tignan kung nakalabas na ba si Steve ng limousine pero laking gulat nito nang may dalawang Valet na sabay na lumapit sa bawat kotse, ibigsabihin nito kailangan nilang lumabas ng sabay sa kanilang sinasakyan

"No!" Darcy exclaimed "Paano na yan?" napasulyap siya kay Nikka at napaisip naman ito.

"I-handa mo yang mask mo sabay nating isusuot once na binuksan na ng Valet ang pintuan" sandaling nagtinginan mata sa mata ang magkaibigan at binuksan na ng Valet ang kotse

Una namang bumaba si Darcy na suot ang kanyang Mask, Hindi siya makapaniwala sa nakita niya nang masulyapan niya ang binata na si Steve na nakasuot ng Blue Tuxedo. Namula ang kanyang pisngi at tila natigilan sa kanyang kinatatayuan pero tinapik ito agad ni Nikka at tumuloy na sila sa paglalakad papasok sa Venue

Napansin ni Darcy na parang may hinahanap si Steve at muntik na rin magtama ang kanilang paningin pero agad namang lumingon sa ibang dako si Darcy sa kadahilanan na baka mamukhaan siya ng binata

Hindi maipagkakaila na may angking ganda si Darcy, mayroong magandang postura at maamong mukha na nakatago sa maskarang suot niya. Habang si Steve naman ay nakasuot rin ng maskara ngunit nangingibabaw ang kagwapuhan nito at malakas ang dating at appeal nito kaya lapitin ng mga babae at nagtutulakan pa nga ang iba.

Hindi pa man nagtatagpo ang dalawa ngunit ramdam na ramdam na ni Darcy ang tensyon at kaba habang si Steve ay walang kamalay-malay na nandito rin pala ang babae na nais niyang makasama sa party

Muling inilibot ni Darcy ang kanyang sarili sa buong venue at tila hindi ito makapaniwala sa kanyang mga nakikita ngayon, mga magagandang palamuti, silk rope na maraming kulay at nakapalibot din ito sa buong venue at mga magagarbong chandelier na kumikinang-kinang pa

Operation: Make Him JealousWhere stories live. Discover now