Chapter 34: Complex

En başından başla
                                    

My heart skipped a bit.

"What's with Sabrina?", kunot-noo kong tanong.

"Her mom told me. You should avoid her."

"Then what did you say?"

"I told her. That you love her so much. But she's always saying you should avoid her."

"Mommy? Ano? Sabihin mo sakin ang rason?"

"Okay... Mamili ka... Sabrina will go to Los Angeles o iiwasan mo siya?"

Malayo na nga kami sa isa't-isa, pupunta pa siyang Los Angeles.

Ano ba naman yong buhay ko.

"Mommy naman, dapat hindi ka pumayag. You know how much I love Sabrina."

"Makikipag-break ka sa kaniya o hindi mo na siya makikita pa?!?"

Napakunot-noo na lang ako sa tanong ni Mommy.

Bakit ba sila ganiyan saming dalawa ni Sabrina? Wala naman kaming ginagawang masama ah.

"Makipag-break ka na sa kaniya. Hindi kayo bagay."

"Bakit ba kayo ganiyan samin?!", hindi ko mapigilan ang sumigaw.

"Sinisigawan mo ba ako?!? Dahil sa babaeng yon?!?"

"Bakit?", tanong ko ulit.

"Madami namang babae diyan ah. Bakit hindi na lang sila?"

"What?", tanong ko at natawa ako. "Dati, sinasabi niyo sa'kin, wag ko na siyang pakawalan pa. Tapos sasabihin niyo sakin na makipag-break sa kaniya. Mommy, anong nangyari?!"

Wala akong nakuhang sagot kay Mommy.

"Answer me, Mom."

"Because, she's a gangster. At imbis na gumanda ang buhay mo mapapahamak ka lang dahil sa kaniya. Madaming babae diyan, wag lang si Sabrina."

"I can handle myself. Eh ano kung gangster siya? Mommy... Hindi siya yong tipo ng gangster na basagulero. Iba siya."

"I guess, hindi kita mapipigilan sa desisyon mong yan."

Tumingin ako kay Mommy.

"You choose... Your Mom o si Sabrina? Subukan mo lang akong suwayin. You'll regret everything David."

Padabog akong pumunta sa kuwarto at padabog itong sinarado at ini-lock.

Sino bang pipiliin ko sa kanilang dalawa? Pareho ko silang mahal.

Haays... Ang gulo talaga.

Hindi ko namalayan may tumulong luha na pala sa kanang pisngi ko. Sino ba talaga sa kanila?

Nag-online ako sa cellphone ko at unang-una pa sa news feed ko ang mga katagang nababagay sa sitwasyon ko ngayon.

'Decision is one of the hardest thing to make. When you're choosing between what you want and what is right.'

What I want is Sabrina, pero alam kong hindi na kami puwede.

Hinanap ko ang Facebook account niya at ti-nap ang profile picture niya.

Makikipag-break na lang ako sa kaniya. Para matahimik ang lahat. Para hindi na din sumuway si Sabrina sa Mommy niya. I know masasaktan siya pati na din ako masasaktan. Pero kasi naguguluhan na ako.

I know, marami akong ipinangako sa kaniya. Pero, hindi ko na alam kung ano na ba ang susundin ko.

Pinapalayo ako ng Mommy niya, pinapalayo na din ako ng Mommy ko.

I tap the message button. And composed a message.

David: I'm sorry. Ayoko na. Naguguluhan na ako. Ingat na lang sayo.

At kahit ayaw ko at labag sa kalooban ko ay binlock ko siya through messenger. Pero sa facebook ay friends pa rin naman kami.

Ang sakit... Sobrang sakit...

I know she's the girl meant for me. But we met in the wrong time.

Alam kong siya na... Siya na talaga.

Si tadhana na lang ang magsasabi kung kami talaga.

Kung kami, edi kami. Kung hindi, edi hindi.

Masakit man sa'min ang ganitong sitwasyon. I know kami ang magbe-benifit sa future.

'I know I will miss you but this is for the best.'

I'm sorry Sabrina...

"Mahal kita Sabrina, sobra pa sa sobra. Pero hanggang dito na lang siguro muna tayo."

Sabrina's POV

"Una na kami ah. Sasamahan ko pa kasi si Mommy." sabi ni Andrea.

"Okay." at tumango naman kami.

"Just call me if sasabak na tayo." at natawa ako sa sinabi niya.

"Sure." at naghiwalay na kami ng daan.

At dahil walang may dalang kotse sa'min ay nag-commute kami.

Isang jeep lang naman ang sasakyan namin pauwi nila Mae, Rose at Lyn.

Sumakay naman agad kami ng jeep dahil 6:00 PM na at magre-review pa ako dahil malapit na ang mid-term namin.

Habang naghihintay mapuno ang jeep na sinasakyan namin, ay kinuha ko ang cellphone sa bag ko at nag-online.

Pinindot ko ang messenger at unang-una sa chat-list ko si David. And I tap his icon.

After two long years, gumuho na naman ang mundo ko.

David: I'm sorry. Ayoko na. Ingat na lang sayo.

And the next thing he do is he blocked me.

Anong naguguluhan? Ayaw niya na ba?

Obvious naman Sabrina diba?!?

Pero saan siya naguguluhan?

He didn't tell me anything.

At saka bakit pa niya ako kailangan i-block? Hindi ko naman siya pipigilan eh.

Nahihirapan na din kasi ako sa sitwasyon namin. Ayoko nang mag-tago.

Isa lang nararamdaman ko ngayon.

Sakit... Sobrang sakit...

New Romantics | CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin