"Follow me." sabi nya at naglakad na.

"Bakit ka narito?" Tanong ni Mr. Dennis.

"Company Matter" sabi ko at halatang nagulat sya.

"This is between your children and my cousin." dagdag ko.

"Anong gusto mong mangyari Castillio?" Tanong nya.

"Napag-usapan na namin to' ng lolo ko. And masaya ako sa naging desisyon nya. Sana pati ikaw Mr. Dennis." magalang kong sabi at iniabot ang envelop.

"An agreement?" Tanong nya at ako tinignan lang sya.

"Pag-isipan po ninyong mabuti Mr. Dennis. Kilala nyo ang mga Castillio. We never make decisions para lang sa walang kwentang bagay. And besides, magandang partnership ito. The First Ranker and the Second Ranker." dagdag ko.

"Give me a week for this." sabi nya at tumango ako.

"Mr. Dennis, isa po pala, sa kahit anong maging desisyon nyo, lalo na kung papayag kayo, wag nyong ipapaalam lalo na kay Jude Daniel at Dayna Rhainne." sabi ko at tumango sya.

------

Nathalia P.O.V

Dalawang araw! Ts. Two days na akong nakahilata dito sa matigas na papag na ito. But I don't care, unti-unti narin akong nasasanay.

Pagod sa trabaho. Oo. Nakakapagod talaga. Madaming tao kapag gabi tapos dalawa lang kami ni Liam ang nandoon.

Napabalikwas ako ng tumunog ang phone ko.

Hell--

Asan ka na? Anong oras na oh!

JD, Thursday ngayon. Wala akong pasok.

What? Bakit hindi mo sinabi? Edi sana hindi ako naghintay.

Yun nalang ang narinig ko at binabaan ko na sya.

----

Dara P.O.V

Dalawang araw ko nang hindi nakikita ang bestfriend ko. Huli na ba naming pagkikita yun? San naman hindi. Namimiss ko na sya.

Siguro ito nga yung sinasabi nilang pagmamahal sa isang tunay na kaibigan. Parang kulang na kulang ako kasi wala sya.

"Nakatulala ka dyan Dara." Napatingin ako sa nagsalita at umupo si CJ sa harap ko.

"Here." abot nya sa akin nung Ice Cream.

"Ayoko." balik ko sa kanya.

"Kainin mo na. Pwede mo rin naman akong paglabasan. I'm going to listen." sabi nya sabay kain nung ice cream nya.

"Si Nath... Pilit syang nilalayo sakin. Bakit ba pagdating sakin napaka-unfair ng lahat? Wala ba kong karapatang sumaya?" panimula ko.

"Sinong naglalayo sayo? Tyaka, anong ibig mong sabihin?" Sabi nya at tinignan yung mata ko.

No Cian James. Wag kang ganyan.

Umiwas ako ng tingin at kumain ng ice cream.

"Ang Kuya ko." maikli kong sabi.

"Kuya mo? May Kuya ka dito?" Tanong nya at tumango ako.

"Oo. Meron. Dahil sa kanya, napalayo sa akin yung bestfriend ko." sabi ko at tumango lang sya.

"Sana ma-meet ko sya" maikling sabi nya at umiling ako.

No CJ, hindi mo pwedeng malaman na ako si Dayna Rhianne. Hindi pa ngayon.

The Pretender (Book 1 & 2)Where stories live. Discover now