CHAPTER 24 - Dancing Señorita

Start from the beginning
                                    

Napahalakhak siya sa sinabi ko at mas hinigpitan pa ang pagkakaakbay niya sa ‘kin.

“Pero aminin mo, mas guwapo ako kay Hopper.”

Ako naman ngayon ang tumawa ng malakas dahilan para irapan ako ng mga nakakasalubong namin kaya napatakip nalang din ako ng bibig para pigilan ang aking tawa.

“Wake up, Grover. Mas guwapo sa ‘yo si Hopper kaya manahimik ka.”

“Grabe. Nakakasakit ka naman ng damdamin, e.”

I giggled. “Ewan ko sa ‘yo. Bakit ka ba kasi nakaakbay sa ‘kin?”

“E, ano kasi..” inalis niya ang braso niyang nakapalibot sa ‘kin saka binilisan ang lakad at humarap sa ‘kin kaya ngayon ay patalikod na siyang naglalakad. “Gusto kitang i-congratulate para du'n sa Viral video mo.” Nakangiting aniya. “I must say that you're good in dancing and hell, even in singing. Wow!” dagdag niya na ikinakunot ng noo ko.

“Anong sinasabi mo diyan? Anong Viral video?”

“What? Hindi mo pa napanood?”

Umiling ako. “Hindi ko tatanungin kung napanood ko na at isa pa, hindi ko mapapanood ‘yun kasi wala naman akong— Oh no!” Sana hindi 'yun. Sana.

“Alam mo na?”

Umiling ulit ako. “Dala mo cellphone mo? Panoorin nga natin.” Sabi ko.

“Sandali.” aniya saka kinapa ang lahat ng bulsa niya sa suot niyang uniform kasunod niyang hinalughog ang bag niya hanggang sa natagpuan niya ang phone niya dito. “Heto.” inilapit pa niya sa mukha ko ang phone niya.

“Bathala!!” ang tanging naibulalas ko nang makita ko ang simula ng video.

Ito ‘yung video kong nirecord ko last Friday evening na sumasayaw ako kahit wala namang tugtog but it was a sexy freaking kind of dance. Goodness! Nakakahiya.

“See? Ang galing mong sumayaw.” wika ni Grover na pinapanood pa rin ang video. “You really deserved the title as Dancing Señorita, Sigrid.”

“Stop joking, Grover. Hindi nakakatuwa.” iritadong sabi ko.

He chuckled. Heto, may isa pa. Panoorin mo.” aniya.

Waaahh!! Napatakip ako sa sarili kong mukha nang makita ko ang sarili ko sa video while strumming a guitar and singing the song ‘Señorita’ by Shawn and Camila. Nakakahiya!

“See? Ang galing mo talaga kaya gusto kong turuan mo ako kung paano sumayaw at kumanta. Huwag na yung paggigitara kasi alam ko na yan.” aniya na sinabayan pa ng malutong niyang tawa.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now