CHAPTER 23 - Nanny No More

Start from the beginning
                                    

“Oh c'mon, Girl.” Uminom pa muna ng tubig si Madi bago siya muling tumingin sa ‘kin. “Your grand mom once said that you're good in singing and even in dancing so how come that you're not interested in these Clubs? Hmm?”

I tilted my head a bit. “Hobbies ko lang yun but honestly, Wala akong talento sa dalawang yun.” i said, seriously. Saka alam niyo naman ang Lola ko, mahal na mahal ako kaya proud na proud sa ‘kin. Sinasabing maganda ako kahit ang totoo, ganito ang itsura ko. Pangit.” I laughed at my own statement. “And now, naniniwala na naman kayo dahil sinabi niyang magaling akong kumanta at sumayaw. Nako naman.” Iiling-iling kong wika saka tinungga ang Juice na laman ng baso ko.

Talaga lang ha, Sigrid? Paano kapag napatunayan naming magaling ka sa dalawang yun?” Mapaghamong tanong ni Alanis.

I smirked. Wala akong talento sa pagsayaw at pag-awit, Alanis.” Sabi ko. Natutuwa lang akong sabayan ang mga kantang naririnig ko kahit sintunado ako at ganoon rin sa pagsayaw. Sumasayaw ako kapag masaya ako kahit parehong kaliwa ang paa ko kaya ‘wag niyo ng asahang may makikita o mapapatunayan pa kayo dahil sinasabi ko na sa inyo, Wala akong talento.”

Nag-iwas ako ng tingin sa mga kaibigan ko hanggang sa tumama ang paningin ko sa mga matang hindi ko inaasahang titingin pa sa ‘kin pagkatapos akong ipagtabuyan. Kenshi. Hindi ako nagbawi ng tingin at sa halip ay mas tinitigan ko pa siya pero ..

Ehem.” nag-init ang pisngi ko nang biglang tumikhim ang katabi kong si Nathalie. Baka matunaw na siya niyan.” mapanukso nitong sabi pero kay Sabrina naman siya nakatingin.

Nagtawanan naman bigla ang mga kaibigan ko dahilan para pagtinginan kami ng iba pang nasa Cafeteria at pakiramdam ko pati ang grupo ni Kenshi ay sa amin din nakatingin.

“Stop laughing, Guys.” Awat ko sa mga kaibigan ko. Pinagtitinginan na tayo kaya kumain nalang kayo.”

“E, bakit ka ba kasi nakatingin kay Kenshi a.k.a. Shokoy?” Sabrina asked, mockingly.

nagbingi-bingihan nalang ako dahil ayaw kong sumagot at isa pa, wala naman akong alam na palusot kaya imbes na bigyan ko pa sila ng rason para tuksuhin ako, pinili ko nalang ang manahimik.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now