CHAPTER 22 - Mad Shokoy

Magsimula sa umpisa
                                    

Fuck!

"Mom, Mom .." hinawakan ko ang kaniyang baba para pagtagpuin ang paningin namin. "Mom please, listen to me.. Baka kasi nagkamali ka lang ng narinig and maybe he was just talking to his — "

"Oh, c'mon, Son. Huwag mo ng pagtakpan ang walang hiya mong ama dahil sa oras na mapatunayan ko talagang may ibang kinakalantari 'yung Daddy mo, lintik lang ang walang — "

"Mommy, please!" Bahagyang tumaas ang boses ko. "Hindi na kayo mga bata ni Daddy kaya sana naman hindi na tayo umabot sa ganito. Sanay akong nakikita ko kayong nagbabangayan pero 'yung ganito? God, Mom. Hindi ko alam kung anong sasabihin at iisipin ko." napailing ako saka tinalikuran si Mommy. "Manang Coney, pakitingnan si Mommy. Aalis na ako." Sabi ko sa katulong namin saka binitbit ang bag ko.

"Pero nakahain na po— "

"Kayo nalang ang kumain, Manang."

"Kenshi! Anak!" Boses ni Mommy na tinatawag ako pero hindi ko na rin pinansin.

Ang ganda ng simula ng araw ko and that's all because of my parents. Thanks to them!

Si Manang Signerd kaya nakapasok na? Tigas ng ulo ng babaeng 'yun at dun sa Saiyan na 'yon, Tss, Hindi pa ako tapos sa gagong 'yun.

"Mang Arman, pakibukas ho ng gate!" Sigaw ko sa hardinero namin dahil medyo malayo siya sa 'kin.

Sumakay ako sa kotse ko. I turned on the car engine and start driving. Hindi naman kalayuan ang HIS sa amin kaya mga ilang minuto lang ay makakarating na ako roon.

MINUTES LATER ..

"Good morning, Love." Bumungad na naman sa 'kin ang isa pang panira ng araw ko.

"Sugar, puwede ba? lumayu-layo ka nga sa 'kin."

"Why? Wala naman akong ginagawa — "

"Just shut up!" sigaw ko sa kaniya. "Panira ng araw ko 'yang pagmumukha mo, Sugar." Pinukol ko siya ng matalim na tingin saka siya tinalikuran.

Buwisit!

"Kenshi!!" Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Signerd.

Humarap ako sa kaniya. Sending her a bored look.

"Nasaan si Saiyan "

"Hindi ko alam." Maagap kong putol sa kaniya. "oh." initsa ko sa kaniya ang bag ko na kaagad naman niyang nasalo.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon