Wala nga ako nagawa kundi sundin ang utos nya at Naupo nga ako sa may katapat nya'ng upuan.

"Bakit ka nga pala umuwi?" -Erickson.

"Bakit masama na ba'ng umuwi sa sarili kong bayan?" -Ivon.

"Hindi naman. Kasi diba pag semestral break ka lang umuuwi eh hindi pa naman sembreak."- Erickson.

"May event sa school at one week yun. Wala naman ako gagawin doon kaya umuwi nalang ako." -Ivon.

"Ah ganon ba." -Ayon nalang ang sinagot ko sakanya.

Habang kumakain kami ay kwento lang sya ng kwento. Um'agree nalang ako sakanya.

"Ito na yung bayad mo." Sabay abot nya saakin ng pera ng maihatid ko sya sa may sasakyan nya

"Hindi na. Pinakain mo na rin naman ako. Okay na yun." -Erickson.

Kinuha nya ang palad ko at nilagay doon ang pera.

"Sabi ko babayaran kita bilang body guard ko. Kunin mo na yan alam kong kailangan mo yan." -Ivon.

Alam nya kasing working student ako.

"Manong akin na yung dalawang puting paper bag." - Utos nya sa driver nya.

"Ito po ma'm" sabay abot ng dalawang paper bag ng driver nya.

"Ito bonus mo."sabay abot nya saakin ng paper bag.

"Para saan naman yan?" -Erickson.

"Wag ka ng maraming tanong kunin mo nalang." -Ivon.

Inabot ko nalang ang paper bag sakanya.

"Salamat. Dapat hindi ka na nag abala." -Erickson.

"Wala yun. Sige mauna na ako." Papasok na sana sya ng sasakyan ngunit nilingon nya ako ulit.

"Nga pala May gagawin ka ba sa sabado? Magpapasama kasi sana ako." -Ivon.

"Ganon ba? Sige walang problema. Saan ba?" -Erickson.

"Sa resort namin." -Ivon.

"Sige. Pupunta nalang ako sa bahay nyo sa sabado." -Erickson.

"Sige. See you." Nakangiti nya'ng sagot.

Nginitian ko nalang sya at tuluyan na syang nagpaalam. Pumara na din ako ng trisicle para makauwi na rin ng bahay.

Pagdating ko sa bahay naabutan ko si Llander sa sala nakahiga sa sofa at may kinakain nanaman na chocolate at naglalaro sa fon nya. Biglang napadako ang tingin nya saakin.

"Hey! Bakit ngayon ka lang? Saka bat andami mong dala? Nagshopping ka?" Sunod sunod na tanong nya saakin.

"May raket kasi ako at yung boss ko yung nagbigay saakin nito." Sagot ko naman sakanya at tinaas ko yung paper bag.

"Ano yan? Baka illegal na yan ginagawa mo ha. Isusumbong kita kay nanay." -Llander.

"Anong illegal?! Hindi ah! Sinamahan ko lang ang anak ni mayor. Body guard nya ako!" -Erickson.

"Body guard! Eh Bakit ka nagagalit?! Guilty ka no?! Saka baka hindi ka nagsasabi ng totoo." -Llander.

"Hindi nga sabi eh! Aist!"- Erickson.

Tumayo sya at lumapit saakin.

"Patingin nga ako nito!" Sabay hablot nya sa mga paper bag.

"Aist! Napaka--"  Wala na nga ako nagawa at hinayaan sya tignan ang laman ng paper bag para matigil sya sa pagdududa. Nauna pa sya saakin magbukas ni hindi ko pa nga nakikita ang laman non.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Where stories live. Discover now