Ang taray talaga!

"Aha! So may problema ka nga?!"


"Wala akong sinabing may problema ako."





"Eeeehhh! Umamin ka na eh!"





"No I didn't."





"Whooo! Denial!"



"Will you stop?! Ano ba pinag-usapan natin dati? Di ba sabi ko.. walang pakielamanan ng buhay ng may buhay?"





"Alam mo.. gusto lang naman kita tulungan eh.. kung ayaw mo eh di huwag.. Diyan ka na nga! Malaglagan ka sana ng ilaw sa taas mo! Hmp!"





Aalis na sana ko kaya lang bigla naman niya ko hinila paupo.



"Wag ka nga mag-walk out, gagawa ka lang ng eskandalo. Baka sabihin nila inaaway kita."





"Totoo namang inaaway mo ko ah!"



"Oh stop being childish.. Alam ko naman na ayaw natin pareho sa kasal na to eh. Napilitan lang tayo."





Naalala ko tuloy yung tinanong ko siya kung bakit siya pumayag magpakasal sakin tapos alam daw niya yung reason ko kung bakit ako nagpakasal sakanya. Eh ano naman masama sa reason ko di ba? Gusto ko lang naman matuwa at maging masaya ang daddy ko. Pati na rin si mommy.





Nagsikainan na ang lahat, ako pagkatapos kumain ng rice kinain ko naman yung mga pastries na tinikman namin dati ni Hans. Wow.. ang sarap!





"Ang dami naman niyan.. baka mamaya sumakit nanaman yang tiyan mo at mautot ka nanaman. Baka mangamoy nanaman.. Naku mahiya ka! Centralized pa naman dito mabilis kumalat ang lagim na dadalhin mo!"



Oo nga! Naalala ko yung nangyari sa kotse ni Hans. At nang-asar pa talaga siya! Bwisit! Bigla naman akong nagdalawang isip kung kakain pa ko kaya naisipan kong dalawang pastries nalang ang kainin tapos yung iba..








AH! Ipapabalot ko nalang. Take home nalang. Tama ! I'm so smart! Scholar ata 'to!

Hay!. Sa wakas tapos nadin yung party.. napamigay nadin namin sa mga bisita yung invitations para sa kasal namin.



"Napagod ka ba?"



Si Hans ang nagtanong. Paakyat na kami ng kwarto namin dito sa great hotel. Siyempre magkahiwalay noh! Pero magkatabi lang.



"Oo.. grabe. Ang hirap pala ngumiti ng ngumiti.. ang sakit sa panga!"



"Get used to it. Marami ka pang mararanasan na ganyan. Sige.. eto na kwarto mo.. Pahinga ka na. Goodnight."



"Sige.. goodnight din!"





Pumasok na ko sa kwarto ko at humiga. Wala ng palit palit.. sakit na talaga ng paa ko eh. Bait ni Hans kanina ah. Haha nasapian siguro ng masamang espiritu yun. Plakda na ko talaga.. hindi ko namalayan nakatulog na ko sa sobrang pagod.









Four weeks later...



"Ano Vhea.. nakapili ka na ba ng mga kanta para sa wedding ninyo sa Saturday?"



Kasama ko ngayon si Mama Linda sa isang coffee shop.. pinuntahan namin yung gumawa ng gown ko.. Ang wedding daw namin ang magiging wedding of the month.. Pano pinaghandaan talaga ng bonnga. Beach wedding ang theme ng kasal namin.. gaganapin yun sa resort nila Hans. Ano ulit pangalan nun? Per.. perf.. ah. Perfect Getaway. Sa Batangas yun kaya bukas aalis na kami papunta dun. Kasama ko si Dad at Ynna. Si Hans ata sa Wednesday ng madaling araw pupunta dahil may inaasikaso sa school daw.



"Opo mama. Nalista ko na po.. Si Hans po ba? Baka may gusto din siyang idagdag.."





'Tinanong ko na siya kahapon ang sabi ikaw nalang ang mamili. Naku, wag mong aasahan yun sa mga love song dahil walang alam yun. Ang alam ko ang alam niyang love song eh yung Nothing's gonna stop us. Pero di na niya yun kinakanta eh.."





Nagulat ako sa sinabi ni mama linda. Si Hans? Kumakanta? Di mo aakalaing si Jakob Hans Torres ay kumakanta.





"Talaga po kumakanta po si Hans?"



"Oo, aba'y nag-voice lessons yun nung elementary palang siya. Di lang yan magaling din sa mga instruments ang anak kong yun. Piano,guitar,Saxophone and Violin ang expertise niya. Magaling din siya sumayaw."





Talented pala tong si Hans eh. Akalain mo iyon! Infairness Lahat na ata nasalo niya. Gwapo,mayaman,talented tapos mabait? Mabait naman siya eh pag hindi maluwang yung tornilyo sa utak





"Wow. Ang galing naman po niya.. Siya na!" sabay tawa ko.



"Ikaw ba Vhea? Di ba magaling ka din kumanta?"





"Ah., hindi naman po marunong lang. Tsaka po drawing din po marunong ako. Pero hilig ko po talaga magluto."



"Maganda yan.. Gamitin mo yan para mainlove sayo si Hans ko."



Bigla naman akong nasamid sa sinabi ni mama. Umiinom kasi ako ng kape nang sinabi niya yun.



"O,hija ayos ka lang ba?" sabi ni mama.. habang pina-pat ang likod ko.



"O-Opo mama. Nagulat lang po ko sa sinabi niyo..pero okay na po ko!"





"Ay ganun ba. Pasensya ka na ha? Hehe. Gusto kasi talaga kita eh kesa dun kay Ezza na yun.. buti nga tinanggihan niya yung proposal ni Hans eh."




"Ezza po? Proposal?"



Ezza. Siya kaya yung nakita kong babae na hinalikan si Hans? Tapos nagpropose si Hans pero rejected. Yun kaya dahilan kung bakit siya malungkot? Tinignan ko si mama na parang nagulat din sa nasabi niya sakin.





"Ah-- ehh anoo.. past naman na yun Vhea.. Dating nobya yun ni Hans, mabait naman siya samin pero ayaw ko talaga dun kasi spoiled brat sa magulang.. Di siya bagay kay Hans. Pero wag mo nang intindihin yon ha?"



Tumango nalang ako kay mama pero bakit ganito bigla naramdaman ko. Nagi-guilty ako.. dahil umeksena ako sa kanilang buhay. Sa pagmamahalan nila Ezza at Hans.

----
Follow @kendeyss
Twiiter/Instagram/Ask.fm

Arranged For You [Fin]Where stories live. Discover now