Babe

5 0 0
                                    

Babe

Muli ay naririto ka,
Sa isip ko't naglalakbay
Napakagandang nilikha
Ika'y perpekto sa aking mga mata

Ang paglalakbay mo'y masaya
Damang-dama ko sa iyong mga mata
Matang kumikinang sa ganda
Siyang dahilan ng pag-ibig sayo sinta

Masaya kang pagmasdan
Bawat galaw ay nakakahalinang pagmasdan
Mula pagkunot ng noo,
Hanggang sa paglapad ng mga labi

Labing ninanais kong mahagkan
Sa pagdating ng tamang panahon
Hinihiling kong sana'y akin lamang
'Pagkat buong pagkatao ko'y sayo lang

Sayo ko lang ipinangangako,
Ipinagkakatiwala ng buo
Sapagkat pagmamahal ko'y buo
Mahal na mahal kita, ikaw lang hanggang dulo.

Introvert's SoulWhere stories live. Discover now