Mali
Hindi ako sigurado
Kung tama pa ba
Tama pa bang maging masaya?
Tama pa bang mahalin pa kita?
Hindi ako sigurado
Kung makakabalik ka pa ba
Gayong ikakasal ka na sa iba
Tama pa bang umasa?
Hindi ako sigurado
Kung ako bay mahal mo pa
Gayong akoy nababalewala mo na
Tama pa bang hintayin pa kita?
Hindi ako sigurado
Kung naging masaya ka ba
Gayong saya koy ilang taon nang
ikaw ang nagdulot at wala nang iba.
Hindi ako sigurado
Kung mapapalitan pa kita
Tila ba inukit sa balat
Kailanmay di na mabubura
Hindi ako sigurado
kung nasasaktan ka rin ba
Gayong halos bawat gabiy lumuluha
Tama ka sa lahat,
hindi magbabagot ikaw ay angat.
Kahit anong pilit ay mapait
Kahit anong pigil ay masakit
Kahit mali ay ipinipilit
Bawat patak ng tubig
Iduduyan ng hangin
Maiipon at matatapon
Sa puso ay mababaon
YOU ARE READING
Introvert's Soul
PoetrySometimes, instead of bursting out because of your overwhelming emotion towards people and things around you, it is better to write. Let the paper know all that is keeping your heart beats normally. Before you could realize it, you are slowly getti...