Suffocated
Muli ay nandito nanaman ako sa kahon
Nasasakal nanaman sa sitwasyon
Nagtatanong ng maraming tanong
At bumubuo ng mga saknong
Saknong ng muling tula
Tula na muli ay ginagawa
Mula sa bugso ng damdamin
Damdamin na umaapaw at sumasabog na
Nais kong sumabog at magwala
Sa kulungan ko ay nais makawala
Walang Kalayaan sa loob ng kahon
Kahon na bawal ang magkasala
Hindi siya taong perpekto
Sa katanuyan ay isang tamad na tao
Utos dito, utos doon
Umaakto na tila ba baldado
Baldadong walang trabaho
Sa pag-utos ay abusado
Masasabing plastic makitungo
Mabait na nagbabalatkayo
Nais kong minsan ay mapag-isa
Mga salita niya akoy makalaya na
Ayaw ko nang makinig
Pakiusap, muli ay palayain na
YOU ARE READING
Introvert's Soul
PoetrySometimes, instead of bursting out because of your overwhelming emotion towards people and things around you, it is better to write. Let the paper know all that is keeping your heart beats normally. Before you could realize it, you are slowly getti...