Magpapayabong sa baya'y wika
Katutubong wikang sanggol
Sanggol na ang bayan ang nag-aruga
Nag-aruga at kumupkop, sa pagmamahal ay lubosAng wika ay lumaki at tumanda
Tumanda sa paglipas ng panahon
Panahon na siya ring nanganganib sumira
Sa katutubong wikang nagbabadyang mawalaAng sanggol ay naging bata
Batang sa kapalara'y nakipaglaro
Daang tulad niya'y nagsilahok
Nagsilahok lamang ngunit bata'y di nagapoSa laro'y nanatiling matatag at nakatayo
Nakatayo ngunit paa at bibig ay nakagapos
Laro nila'y naging apoy,
Nasunog ang una, sumunod ang pangalawaNakagapos ma'y nakatayo itong bata
Itong batang isinilang at inaruga sa sariling lupa
Pilit sinusupil ng mga ligaw na bata
Pilit nagsusumisiksik sa sarili niyang lupaKung sa halama'y nanganganib malantang mga dahon
Nababawasan ang kumikilala at nag-aahon
Siyang saksi at salamin ng kahapon ng ina
Inang malulumpo, kung itong bata'y papanaw naAng hindi magmahal sa sariling wika,
Ay higit pa sa hayop at malansang isda
Katagang iniwan ng nakapagligtas ng ina
Nangunang mag-ahon at magtaguyod sa anak niyaAng kaarawan nitong bata'y gunitain
Huwag hayaang sa apoy ay lumisan
Lumisan sa kanyang lupang sinilangan
Sinilangang atin, bayang mahalLahat sana'y maging tagapagligtas ng ina
Huwag pahamak at palamon sa ligaw na mga bata
Ligaw na mga batang sa kasalukuya'y bumubulag
Bumubulag at lumalamon sa mamamayan niyaKabataan ang pag-asa ng bayan
Muling wika nitong tagapagligtas na una
Nawa sana'y nagbabasa'y manguna
Patunayan at 'wag ipahiya, paniniwala niyaBata'y salamin ng bayan
Saksi ng kahapon at kasalukuyan
Makibaka sa pakikipaglaban
Pagka't ika'y kaisa sa kanyang mamamayanSa larong apo'y huwag hayaang lumisan
Sa ligaw na halaman ay protektahan
Iligtas sa pagkalagas ng dahon at pagsapaw ng ligaw
Magpapayabong sa baya'y ikaw
Ikaw na bumubuo sa kanyang mamamayan
YOU ARE READING
Introvert's Soul
PoetrySometimes, instead of bursting out because of your overwhelming emotion towards people and things around you, it is better to write. Let the paper know all that is keeping your heart beats normally. Before you could realize it, you are slowly getti...