Panaginip

7 0 0
                                    

Panaginip

Ako yung tipo ng taong mahilig magbasa ng maraming akda.  Mga kwentong roller coaster pero ang wakas saya. Saya na kahit saang anggulo ko tingnan iyon ay nabubuhay lang sa akda. Akda na ang saya ay kakaiba at sa realidad ay iba.

Nalulunod ako kahit wala sa dagat. Kapag nadadama ko ang presensya mong sa puso koy mabigat. Ewan ko ba hindi naman ikaw yung katulad ng mga idolo kong koryano, gwapo, matalino, maraming talento, tinitilian ng maraming tao at higit sa lahat hindi ka hinahangaan ng lahat.

Sa muling pagsikat ng araw ay naroon ka, naroon ka. Samantalang akoy mistulang pulubi na. Pulubi na nag-aabang na mapansin mo at nanglilimos ng atensyon mo, nagbabakasakaling ituring ako ng higit pa sa kaibigan mo.

Akoy nangangarap ng gising

Iniisip na ikaw daw ang aking prince charming. Prince Charming na hinihila ako sa kumonoy. Kumonoy na hindi ko kontrolado ang lalim.

Pero ang realidad ay ikaw ay aking kaibigan. Kaibigan na mas kilala pa ako kaysa kilala ko ang sarili ko, bawat mustra ng kamay ko, kurba ng kilay at pagbabago ng ekspresyon ko ay saulado mo. Kahit ang tangkad ko ay kabisado mo na din dahil sa bawat pang-aasar mo na mas matangkad ka sa akin.

Higit sa lahat ikay kaibigan na nagbibigay ng mga payo sa akin kapag nahihirapan ako. Mga payo na hindi ko aakalaing lalabas sa mga labi mo. Na minsan hindi ko alam kung ako ay matatawa dahil sa bawat katagang iyong binabanggit na marahil walang halaga sa ibang nakakarinig pinapawi ang lahat ng aking hinanakit.

Ngunit katulad ng mga kwento ay may wakas. Wakas na gumuguhit sa puso kot nagbabakas. Hindi mo ako naintindihan kahit na sumigaw na ako ng ubod lakas. Mula simula hanggang wakas, kaibigan pa din ang ganap ko sa iyong palabas.

Paano ko mahihiram ang balikat, tainga at pang-unawa mo para bigyan ako ng mga payo kung ang dahilan ng bawat pagpatak nitong luha at hikbi ko ay ikaw?

Nalulunod ako kahit wala sa dagat. Nasasakal ako kahit walang lubid sa leeg kong kumakagat. Naninikip ang dibdib ko kahit walang sakit sa puso. Nakahiga lang maghapon ay hinahapo

Kailangan kong magising at kailangan kong sa pagkakahimbing ay may gumising.

Marahil ay sadyang hanggang ikay aking tagapayo lang. Marahil ay sadyang hanggang ikay matalik ko lang na kaibigan. Magpapangiti sa akin at mag-aalis ng kalungkutan. Marahil ay hanggang doon lang dahil hanggang doon lang ang parte mo sa buhay ko. At kailanman hindi ikaw ang prince charming ko.

Prince charming na nabubuhay sa mga akda. Mga akda na imahinasiyon lang ang lumikha

Mga akda na ang saya ay kakaiba at sa realidad ay iba. Kayat tulungan niyo akong gumising. Tulungan niyo akong gumising sa isang akda na imahinasyon ko ang lumikha. Imahinasiyon na hindi kilala ang pagkakaiba ng realidad at pantasya.

Introvert's SoulWhere stories live. Discover now