Epilogue

614 11 13
                                    

Zack POV

Nakatingin ako sa labas ng selda ko, pinag mamasdan ang mga kakosa ko.

Ilang taon na ba ang lumipas? 1?2?
Anim, anim na taon na ang lumipas simula ng mangyare ang lahat. Anim na taon na ang lumipas ng mag bago ang lahat.

Ang daming nangyare matapos ang anim na taon.
Sobrang daming nangyare.

Narito't nakulong ako dahil sa pag patay kay Veronica. Nakakatawa dahil ayaw ko mang mangyare ito ay wala na akong magagawa. Narito na, nagawa ko na. I need to accept the fact.

"Oh Zackie boy naka tulala ka nanaman." Nilingon ko si Jerome na kasamahan ko sa selda. Nakulong siya sa salang pag patay.

Katulad ko.

"Iniisip mo parin ba yung babaeng yun?" Tanong ni Hector, nakulong siya dahil sa droga.

"Kalimutan mo na yun boy, sya nga kinalimutan ka eh." Singit naman ni Vein. Nakulong ng dahil sa pang gagahasa.

"I'm just... Hoping na baka maalala nya ako." Sabi ko at ngumiti ng mapait.

"Usos, alam mo kung talagang inaalala ka niya dapat nandito siya at dinadalaw ka." Sabi ni Jerome.

"Alam mo, kesa sa alalahanin ang babaeng yun. Dapat iniisip mo nalang ang mga totoong bagay gaya nito." Sabi ni Hector.

"Kailangan mong tanggapin na naka kulong ka na at pang habang buhay ka ng nandito." Dagdag niya.

"Nakakatawa lang dahil parehas at sabay tayong mabubulok dito men." Sabi ni Jerome. Natawa ako.

"Alam niyo guys di ko naman kayo makakalimutan pag nakalabas na ako dito." Sabu ni Hector.

"Pumatay ka din ng tao para naman forever na tayo dito." Pang hihikayat ni Jerome.

"Ulol pakyu." Sabi ni Hector kaya natawa kaming lahat.

Natigil kami sa pag tawa ng may lumapit na isang polis sa selda namin.

"May dalaw ka Burg." Sabi nito kaya natahimik ako at tumingin sa mga kasamahan ko.

"Baka yung matanda nanaman yan." Natatawang sabi ni Vein. Tumayo ako at lumabas sa selda namin. Kasama ang polis ay nag lakad kami habang naka posas ang kamay ko papunta da visitors area. Ng makarating kami don ay tinanggal nila ang posas ko saka hinayaang pumunta sa isang upuan.

Ang lola ni Tanya.
Sya ang lagi kong bisita. Sa loob ng ilang taon siya ang laging bumibisita sa akin minsan naman ay yung mama ni Tanya.

"Kumusta ka na iho?" Kapansin pansin sa kanyang mukha ang pag katanda.

"Ayus lang naman po. Kayo po? Kumusta na po kayo? Bumabata po kayo ha." Sabi ko na nag patawa sa kanya.

"Aba ayus lang naman ako iho. Sya nga pala dinalhan kita ng pagkain oh kumain ka muna." Sabi nya at inayus yung mga pagkaing nasa mesa.

"Nasan po si tita?" Tanong ko.

"Andon sa states inaasikaso yung kompanya nila." Sagot niya. Tumango tango ako.

"Kumusta.... Na po siya?" Tanong ko dahilan para matigilan siya. Tumingin ito sa akin at ngumiti.

"Ayus na siya saka nakakalakad na siya." Sabi niya. Ngumiti ako.

"Masaya na po ba siya ngayun?" Tanong ko. Huminga ng malalim si lola.

"Zack..."

"Kain na po tayo? Haha salamat po dito sa pagkain." Sabi ko at kinuha ang kutsara't tinidor.

Bad Girl In LoveWhere stories live. Discover now