Chapter 11: Let's Enjoy

395 10 0
                                    

Dedicated to @JestinePunzalan thank u for supporting my stories! Gaya ng pangako ko! Lahat ng updates ko this day is dedicated to you lovelats! ~RIP

Zack POV

Nakita kong pumasok sa loob ng kwarto niya si Tanya. Napa kamot ako sa nuo ko.
Grabe napaka big deal naman ata non sa kanyan. Kung ibang babae jan ay kikiligin lang at walang masyadong gagawin pero siya kakaiba.

Sinundan ko si Tanya at saktong pag bukas ko ng pintuan ang pag mura niya ng malakas. Napa pikit ako dahil feeling ko nabugahan ako ng apoy ng dragon.

"Nakaka bwisit! Bwisit! Bakit hindi pa kasi namatay yang matandang yan?!"sigaw niya at akmang babasagin yung isang glass display na nakapatong sa isang istante malapit sa kanya. Agad kong inagaw yun sa kanya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.

"Kung galit ka sa lola mo wag mo idadamay yung mga inosenteng gamit.nakaka awa kaya sila."sabi ko at binalik sa tamang lalagyan yung nakuha ko. Sayang yung vase na nabasag. Tsk tsk bat ba ang hilig mag wala ng babaeng to?

"Sinong nag sabi sayo na pumasok ka dito!?" Okay galit na galit parang gustong manaket lol.

"Ughm.. Walang nag sabi pero boluntaryo akong pumasok dito."sabi ko at ngumiti.

"Lumabas ka."nakakatakot niyang sabi.

"Ayaw." Sabi ko.

"Bakit ba napaka bida bida mo? Labas!" sigaw niya.

"Bida bida na kung bida bida, sa ayaw kong lumabas."sabi ko at binelatan siya.

"Talaga bang iniinis mo ako?! Wala ako sa mood para makipag biruan kaya labas!" sigaw niya

"Bakit kelan ka ba nakipag biruan sakin? Saka bakit mo ba ako pinapalabas eh wala naman akong ginagawang masama."sabi ko at umupo sa sofa niya.

"Masyado ka kasing seryoso sa maliit na bagay na yan Tanya, dapat chill ka lang. Pabayaan mo yung lola mo mag party."sabi ko.

"At talagang kinakampihan mo pa yung matandang yun? Zack pasakit siya sakin! Nakaka bwisit siya dahil umuwi siya dito ng biglaan para guluhin ang bahay ko at ang buhay ko." Iritang sabi niya at padabog na umupo sa kama niya.

"Dapat kasi namatay nalang sya." Inis niyang sabi kaya napa tingin ako sa kanya.

"Napaka sama mo talaga ano? Makapag salita ka ng ganyan parang hindi biro, alam mo bang pag nahipan ka ng masamang hangin pwedeng mag katotoo yung sinabi mo?"tanong ko.

"Oh eh di sana hipan ako ng masamang hangin ng magkatotoo yung sinabi ko." Sabi niya at inirapan ako.

Demonyo talaga.

"Alam mo, swerte ka pa nga kasi buhay yung lola mo eh." Sabi ko kaya tumingin siya sakin.

"Kinokonsensya mo ba ako?"tanong niya.

"Hindi, binabahagi ko lamang." Sabi ko at natawa.

"Alam mo kesa sa nag wawala ka dito bakit hindi nalang natin i enjoy yung party ng lola mo." Sabi ko at tumayo saka lumapit sa kanya.

"Anong gagawin mo?"gulat niyang tanong.

"Tara basta sumama ka nalang." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Bigla akong nakaramdam ng isang milyong kuryente na dumaloy saking katawan. Bumilis din ang tibok ng puso ko at nag alboroto ang tyan ko. Luh may sakit ba ako? Wag naman sana umatake yung dayariya ngayun.

Hinila ko sya patayo.

"Teka ano ba Zack wag mong sabihin sakin na makikisali tayo sa party ng matatandang yun?"inis niyang tanong.

"Eh di di ko sasabihin nahulaan mo na eh." Sabi ko at hinila siya.

"Ayoko bitawan mo ko." pag pupumiglas niya.

"Tara na kasi! Masaya to promise makaka ganti tayo sa lola mo." Sabi ko kaya natigilan siya.

"what do you mean?"tanong niya.

"Basta tara." Sabi ko at hinila siya palabas ng kwarto niya. Ng makalabas kami sa kwarto nya ay normal kaming nag lakad dalawa pababa ng hagdan habang hawak ko parin ang kamay niya.

"Ang old ng music bwisit." Bulong niya kaya natawa ako.

"Eh di palitan natin." Sabi ko kaya napatingin siya sakin. Kinindatan ko lang siya saka hinila sya palapit don sa DJ.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Bad Girl In LoveWhere stories live. Discover now