Chapter 25: Bike

320 9 1
                                    

Tanya POV

"Zack wag mo kong bibitawan!"sigaw ko habang naka ngiti.

"Hindi kita bibitawan mag tiwala ka sakin."sabi niya habang naka alalay sakin.

"Zack pag ako nahulog walang sasalo sakin!"inis kong sabi.

"Ako sasalo sayo!" Napa lingon ako sa kanya ma tumatawa habang naka alalay sakin sa pag bike.

Napa lunok ako sa sinabi niya.

"Oh? Sa daan ka tumingin."sabi niya kaya tumingin ako sa daan.

"Zack please wag mo kong bitawan takot akong mahulog."sabi ko.

"Pano ka matututong mag bike kong lagi lang kitang aalalayan? Saka sasaluhin naman kita pag nahulog ka eh." Sabi niya.

"What if di mo magawa?"tanong ko.

"Trust me."sabi nya at dahan dahan akong binibitawan.

"Zack!"

"Chill ka lang tapos i balance mo." Napa lunok ako dahil pagewang gewang na ang takbo ng bike. Tuluyan niya na akong nabitawan.

"I balance mo!" Sabi niya kaya naman pinilit kong i balance ang bike at nanlaki ang mga mata ko ng magawa kong i balance ang bike.

"Zack nagawa ko." Naka ngiti kong sabi saka lumingon sa kanya.

Tumakbo sya at tumapat sa akin.

"bakit ka tumatakbo?"tanong ko.

"Para pag nahulog ka ako agad sasalo sayo."sabi niya kaya napa ngiti ako.

"Tanya may bata!" nanlaki ang mga mata ko at agad na prineno ang bike. Napa lunok ako dahil tumigil agad ang bike at dahil hindi ako alisto nawalan ng balance ang bike at alam kong mahuhulog na ako.

Napa pikit ako dahil sa takot at hinahanda ang sarili ko na masaktan ng maramdaman kong may humigit sa bewang ko at niyakap ako ng mahigpit. Nag pa gulong gulong kami sa lapag hanggang sa tumigil kami at ang kinalabasan ay nasa itaas ko si Zack at nasa ibaba ako.

Sobrang lapit lang namin sa isa't isa to the point na unting maling galaw lang ay mahahalikan ko ang labi niya.

sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Nag wawala yun sa tuwing makikita ko ang kayumanggi niyang mga mata.

"Ayus ka lang ba?"tanong niya.

Tumango tango ako. Ngumiti siya at akmang tatayo na ng may dumaang mga batang nag hahabulan at naitulak si Zack palapit sa akin.

At dahil nga malapit kami sa isa't isa ay nahalikan ko ang kanyang mga labi. napa lunok ako ng dumapo ang kanyang malambot na labi sa aking labi.

Mas lalong nagwala ang aking puso at di ko na alam ang gagawin ko.

Ang first kiss ko.
Nanlaki ang mga mata ko habang naka tingin sa kanya.
Nagulat din siya at di naka pag react. Agad ko syang naitulak palayo sakin saka napa hawak sa labi ko.

"I--i'm sorry." Sabi niya at namumulang tumalikod sakin.

Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng aking mukha.
Shit! He's driving me crazy!

"A-ayus lang."utal kong sabi saka umupo. Tumingin ako sa kanya na naka talikod parin sakin habang naka upo.

"Zack."sabi ko at akmang hahawakan siya ng mag salita siya.

"No wag mo muna akong hawakan hindi ako namumula gaya ng inaakala mo at mas lalong hindi ako kinikilig at para sabihin ko sayo hindi ikaw ang first kiss ko kaya okay lang ako."sabi niya kaya kumunot ang nuo ko at natawa.

"Weh? Di ka namumula?"tanong ko.

"Hindi nga!"sabi niya kaya natawa ako.

"Harap ka nga."sabi ko. Parang bata naman syang humarap sa akin at haloa humagalpak ako ng tawa ng makita kong sobrang pula niya pati ilong.

"Anong nakakatawa?"inis niyang tanong.

"hindi ka kinikilig?"tanong ko..

"Hindi!" Umiwas siya ng tingin.

"Tingin ka nga sakin."sabi ko kaya naman para siyang batang tumingin sa akin at hindi sya mapakali ng tumingin siya sakin kaya natawa ako.

"Bakit ba tawa ka ng tawa?"inis niyang tanong.

"Hindi yun ang first kiss mo?"tanong ko.

"Oo kapal mo naman para mapunta sayo ang unang halik ko."sabi niya.

"Sige nga kung hindi ako ang first kiss mo pang ilang halik ako?"tanong ko.

"Malamang una ... I mean isa i mean first no i mean pangalawa."natawa ako dahil natataranta siya.

Inis siyang tumayo at nag lakad palayo sakin.

grate, ako ang first kiss nya at sya ang first ko. What a destiny.

"Hoy Zack! Likod mo namumula!"pang aasar ko at tumayo saka siya hinabol.

"Letche manahimik ka!" Parang babae niyang sabi kaya natawa ako.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Bad Girl In LoveWhere stories live. Discover now