Chapter 14: Breakfast

355 11 0
                                    

Tanya POV

Binuksan ko ang mga mata ko at naka ngiting inunat ang buong katawan ko. Kaso naramdaman kong parang may mabigat na ewan sa katawan ko kaya tinignan ko ang bewang ko at may nakita akong braso.

Braso lang pala eh.... Teka ano? Braso?!

Sinundan ko ng tingin ang braso kung kanino yun at nakitang si Zack.

Kay Zack?!

"Wahhhhhhhh!" Sigaw ko at tinulak sya. Agad naman siyang nahulog. Kinapa kapa ko ang katawan ko.

May saplot pa naman ako at walang blood stain sa white cover ng kama ko pero kahit na! Bakit nasa kama ko sya?

Dahan dahan kong sinilip sa baba ng kama si Zack at nakitang tulog na tulog parin siya.

Oh? Nahulog na sya lahat lahat tulog parin sya?
Kunot nuo akong bumaba ng kama at dahan dahang lumapit sa kanya. Pinag masdan ko ang mukha niya.

Grabe tulog na tulog talaga siya?

"Woi Zack." Sabi ko at tinusok tusok ang pisngi niya pero walang effect.

Napakamot nalang ako sa ulo ko at nag indian sit sa tabi niya saka pinag masdan ang mukha niya.

"Bakit sa kama kita natulog?"tanong ko. Ay gaga tulog nga pala sya.

Ano bang nangyare kahapon? Tanda ko lang nag iinom kami ni Zack sa baba tapos napadami kami ng inom tapos ayun lang.

Kung sa baba kami nag inom sinong nag pasok samin dito?

Bigla akong natigilan ng maalala ko si Lola. Tanginang tanda yan.

"Zack!" Sigaw ko pero wala parin di parin sya nagising.

Kinuha ko yung wangwang na naka tago sa ilalim ng kama ko saka tinapat sa tenga niya.

"Zack!"

"Asan ang sunog? Nasan! Nasan ang porn star?!" Sigaw nya at napa upo saka parang manununtok.

Tinaasan ko lang sya ng Kilay.

"Porn star. Abnormal ka ba?"tanong ko napa kamot siya sa ulo niya.

"Yun ang napanaginipan ko eh."sabi niya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Bakit nandito ka sa kwarto ko?"tanong niya kaya natawa ako.

"Excuse me lang HA Ikaw ang nasa kwarto ko Zack. "Sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Ni rape mo ko no?!" sigaw niya at tinakpan pa ang katawan niya.

Agad kong kinuha ang unan na nasa tabi niya at pinag papapalo sa kanya.

"Ako ang babae dito Zack, ako hindi ikaw."sabi ko at binato sa mukha niya ang unan.

"Aray ganon ka ba mag good morning? Ang sakit." Sabi niya at tumayo.

"Anong ginagawa ko dito sa kwarto mo?"tanong niya.

"Baka nag lakad yung kwarto ko tas pinapasok ka sa loob." Pilosopo kong sabi.

"Oh? May paa na pala ang kwarto mo? Bat yung akin Wala?"tanong nya.

Tangina.

"Abnormal!" Sigaw ko at huminga ng malalim.

"Joke lang ang seryoso mo kasi." Sabi nya at pinisil ang pisnge ko dahilan para magulat ako.

"Yan smile ka lang. Morning smile."sabi niya at ngumiti. Tinabig ko ang kamay niya saka siya sinamaan ng tingin.

"Sino nag sabi sayong pwede mong hawakan ang pisnge ko?"inia kong sabi.

"Malamang ako. FRIENDS." Natatawa nyang sabi at talagang diniinan ang salitang Friend.

"Anong inaalmusal niyo pag umaga?"tanong niya.

"Malamang almusal." Sagot ko at nag lakad papunta sa pinto at binuksan yun saka lumabas.

"Masarap?"tanong niya.

"Malamang. Sinong tao ang hindi kakain ng masarap?" Irita kong tanong.

"Ang sungit mo meron ka ngayun no?"tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko at inis siyang tinignan.

"Ayoko sa madaldal!"Sigaw ko at tinalikuran siya.

"Hindi ako madaldal talkative lang."sabi niya.

Anong utak ba ang meron sa kanya?!

"Good morning po lola at tita." Bati ni Zack kila mama at lola. Tignan mo, bida bida talaga.

"Good morning iho, mukhang maganda ang gising mo ah."sabi ni lola at tumingin sakin.

"Oh anong nangyare jan sa asawa mo?"tanong ni lola kay Zack kaya nanlaki ang mga mata ko. anong asawa?!

"Nag lilihi po ata hahaha."sabi ni Zack kaya binatukan ko siya.

"Manahimik ka."irita kong bulong

"Ganon ba? Oh siya aalis ako mamaya dahil may reunion kaming mag kakaklase nong grade 9. Kayo anong gagawin nyo?"tanong ni Lola.

"Ako po pupunta sa bahay." Sabi ni mama.

"dito lang ako."bored kong sagot saka kinuha yung hotdog at kumagat.

"Mag da-date po kami ni Dragon mamaya."sabi ni Zack kaya napa ubo ako at napa inom ng tubig saka tumingin kay Zack ng masama.

"Maganda yan." sabi ni lola at ngumiti.

"Masama ang pakiramdam ko." Sabi ko.

"Bakit asawa ko, buntis ka na ba?" Halos lumuwa ang puso ko sa sinabi niya.

Asawa ko, buntis. Tangina!

"Hahahahaha." Tawa nila lola at mama
-_-

"Hindi at kahit kailan ay hindi mangyayare yun."sabi ko at inirapan siya.

"Bakit baog ka ba?"tanong niya. Agad kong inapakan ang paa niya kaya napa aray siya.

"Oh bakit kinagat ka ba ng amazonang langgam asawa ko."pang aasar ko.

"Kagat pala yun?" Namimilipit sa sakit niyang tanong kaya napa ngisi ako.

"Oh siya mamaya na kayo maging sweet jan. Kumain muna tayo." Natatawang sabi ni mama. Sinamaan ko muna ng tingin si Zack saka kumain.

~~~

Tweet me : @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Bad Girl In LoveWhere stories live. Discover now