Chapter 2: Hell Day

762 15 0
                                    

Tanya POV

"ANG SUSI! BILISAN!" Sigaw ko at binuksan ang cellphone ko.

"Ma'am ito na po." Bigay ng isa sa mga katulong ko. Agad ko iyong kinuha at nag lakad papunta sa isang baby ko.

Tinawagan ko ang assistant ko. Naka ilang ring na pero hindi parin sinasagot. Fuck

(Hell--)

"YOU'RE FIRED!" agad kong sigaw at binabaan siya ng telepono. Pinaandar ko na ang kotse ko saka nag drive papunta sa opesina.

Sa kalagitnaan ng pag drive ko bigla nalang tumigil ang kotse ko sa gilid ng isang bahay. Napa pikit ako sa inis.

HINDI MANLANG NILA TINIGNAN KONG AYUS LANG TONG KOTSE NA TO?!

Inis kong inalis ang seatbelt ko saka tinignan ang kotse.

Flat ang gulong

Fuck!

"Malalagot sila sakin mga inutil!" Inis kong sabi saka sinipa sipa ang gulong ng kotse ko. Ipinasok ko ang kalahati ng aking katawan sa loob saka inabot ang phone.

"Miss kailangan mo ng tulong?" Napa tingin ako sa nag salita.

Isang lalaki. Moreno, matangos ang ilong. Black na black ang buhok. Pulang labi at brown na mga mata.

Bagay sa kanya yung kulay niya. Pero don't care.

Hindi ko siya pinansin sa halip ay nag umpisa akong idayal ang numero ng hot line sa bahay.

"Miss flat ang gulong mo... Mukhang kailangan mo ng--"

"ALAM KO! ALAM KONG FLAT KAYA NGA TUMIGIL DIBA? KAYA NGA NANDITO AKO? ANG INGAY MO!" inis kong sabi don sa lalaki. Itinaas nito ang kanyang dalawang kamay sa ere saka naka ngiting nag salita.

"Woaw whow easy okay... I just want to help." Sabi niya

"Then i don't need you're fucking help! Kaya nga di kita pinansin kanina diba? Nakaka istorbo ka lang!" Inis kong sabi at eksakto non ang pag sagot sa kabilang linya.

(Hell--)

"YOU'RE FIRED! IBIGAY MO SA KAHIT SINONG MANONG JAN ANG PHONE NOW!" sigaw ko at napa pikit.

(Ma'am---)

"SINONG DRIVER ANG NAG BABANTAY SA MERCEDES-BENZ KO?!" Tanong ko.

(Si Jonel po--)

"SABIHIN MO MAG UMPISA NA SIYANG MAG EMPAKE NG GAMIT AT LUMAYAS NA SA PAMAMAHAY KO! AT IKAW, DALHIN MO YUNG ISANG KOTSE KO DITO SA DRAGON STREET DALIAN MO AFTER 3 MINUTES AT WALA KA PA DITO UMPISAHAN MO NA MAG EMPAKE NG GAMIT MO AT SUMABAY KAY JONEL SA PAG LAYAS SA BAHAY KO!" sigaw ko at binaba ang tawag.

"Hahahahaha" napalingon ako sa tumawa.

Yung lalaki.

Taas kilay kong tinignan ang lalaki.

"Anong nakakatawa?" Iritang tanong ko

"Maiinitin ang ulo mo. Chill lang baka ma highblood ka." Sabi niya at tumawa.

"So nakakatawa na yun? Sinong demonyo ang nag bigay permiso sayo na tumawa ha?" Tanong ko.

"Wait Ms masyado ka ng Cute kapag nagagalit stop na. Hahahaha."

"Kilala mo ba kung sino ako ha? Kaya kong bilhin ang kinatitirikan ng bahay mo ngayun." Sabi ko.

"Hahaha edi bilhin mo. Gusto ko lang namang tumulong at--"

"SABING HINDI KO KAILANGAN NG TULONG MO! LUMAYAS KA NA NGA SA HARAP KO DAHIL NAKAKA ASIWA ANG PAG MUKUKHA MO!" sigaw ko at inirapan siya. Padabog akong pumasok sa lintik na kotseng walang silbe. Nakita ko pang napa kamot siya sa ulo niya saka tatawa tawang nag lakad papasok sa kotse nya.

Toyota? So poor

2 minutes left at dumating na si Manong i don't know who he is dala ang isang baby ko.

"Ma'am pasensya na po sa abalang nagawa ni--"

"Yang kotse na yan na check mo ba ha? Baka pag nasa edsa na ko mamaya eh tumirik yan." Sabi ko.

"Na check ko po yan ma'am ingat po." Sabi niya at binigay sakin ang susi.

"Ipakilo mo na yang lintik na kotse na yan, kung nang hihinayang ka ibenta mo sa kung sino mang bibili jan o kung gusto mo sayo na basta ayokong makita yang bulok na kotse na yan sa garahe ko." Sabi ko saka pumasok sa loob ng isa ko pang kotse

Huminga muna ako ng maluwag bago tinignan ang orasan

Shit! Its already 8:25 AM baka ma late ako sa meeting! Tanginang araw to.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper

Bad Girl In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon