Chapter 8: Pretender

493 14 0
                                    

Tanya POV

"Ah aray Tanya masakit yung tenga ko!" Inis kong binitawan ang tenga ni Zack saka sinamaan siya ng tingin.

Nandito kami ngayun sa kwarto ko at pinapagalitan si Zack.

"Dragon na nga sadista pa." Reklamo niya kaya mas sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy Zack, wag ka nga masyadong feeling close sa matandang yun. " sabi ko.

"Bakit naman?" Tanong niya.

"Pa epal ka pakitang gilas pa." Sabi ko saka umupo sa kama ko.

"Kwarto mo pala to, ganda ah black ang theme. Halatang kulay ng ugali." Sabi niya habang nililibot ang tingin ang kwarto ko.

"Pakyu!" Sigaw ko at inirapan siya.

"Hayst tama nga ang lola mo napaka sama ng--"

"Sige ituloy mo ng matuluyan kang mawala sa mundo." Sabi ko kaya nanahimik siya.

"Teka, pag nawala ako eh di wala ka ng gwapong boyfriend." Napa tingin ako sa kanya.

"The fuck?" Sabi ko saka huminga ng malalim.

"Sya nga pala, we need to pretend na may tayo." Sabi ko saka tumingin sa kanya.

"Kaya galingan mo sa acting skills okay?" Sabi ko at inirapan siya.

"Teka, as if naman papayag ako na maging boyfriend mo. Kung mag kakaruon man ako ng girlfriend syempre di ikaw yun. Napilitan lang ako kanina." Sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya.

"Ang kapal ng mukha mo as if naman gusto kong magibng boyfriend ka eh ang panget panget mo wala ka pa sa kalingkingan ni Leonardo." Sabi ko saka tinaasan siya ng kilay.

"Bakit ba kasi ako ang sinabi mong boyfriend mo? Bat di ka nalang nang hila ng ibang lalaki jan isa pa baka may boyfriend ka na talaga tas ayaw mo lang sabihin." Sabi niya kaya napa iling iling ako.

"I don't have one. Ayoko sa lalaki." Sabi ko.

"Wow ha parang gusto naming mga lalaki sayo." Sabi niya kaya inirapan ko lang siya.

"Isa pa ikaw lang ang lalaking katabi ko kaya ikaw ang sinabi ko. Pasalamat ka dahil isang Tanya na ang nag sabi non." Sabi ko saka huminga ng malalim.

"Bakit ba kasi sinabi mong may shota ka na kahit wala naman talaga?" Tanong niya.

"Nasa press con ba tayo? "

"Sagutin mo nalang." Sabi niya kaya napa irap ako.

"Kasi pag sinabi kong wala, yang matanda na yan ang pipili ng boyfriend ko at ipapakasal ako don. Like duh ayoko pang makasal sa 100 na nanligaw sakin wala pa akong sinasagot dahil alam ko namang they only need me cause they want to be famous and they only need my money, as if namang sasagutin ko yung mga kutong lupa na yun eh iiwan din nila ako sa dulo." Sabi ko saka inihiga ang kalahating katawan ko sa kama ko.

"Advance akong mag isip." Sabi ko at nilingon siya.

"What if sa 100 na lalaking nanligaw sayo isa don ang seryoso?" Tanong niya kaya natawa ako.

"Men, this world is full of lies and pain." Sabi ko saka tumingin sa kisame.

"Kung seryoso siya then i don't care, hindi ko mauutusan ang puso ko na mahilin yung taong di ko mahal." Sabi ko saka tumingin sa kanya.

"Bakit ba kasi yan ang usapan? We're talking about the boyfriend pretending not in love." Sabi ko saka nag indian sit sa kama ko.

"So Mr Zack, you need to pretend as my boyfriend habang nanjan si tanda. Pag wala siya then back to stranger thing." Sabi ko at ngumiti.

"Ayoko nga." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko

"And why?"

"Lugi ako. " sagot niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Panong lugi ha? Isang Tanya na ang --"

"Let's have a deal nalang." Sabi niya kaya tumaas ang kilay ko.

"I'm going to pretend as your boyfriend pero dapat pumayag ka na maging business partner ako." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Ano game?" Tanong niya kaya umiling ako .

"Ayoko nga, inuutakan mo ko." Sabi ko kaya natawa siya.

"Bahala ka ikaw din, ipapakasal ka ng lola mo sa di ko gusto tas irereto ka nya sa mga kano tapos--"

"Okay fine deal!"

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Bad Girl In LoveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum