Chapter 39: House

301 8 0
                                    

Tanya POV

Matapos ang pag aaway namin ni Veronica sa restaurant ay nag pasya kami ni Zack na umuwi nalang at doon ituloy ang selebrasyon namin.

"Nasan sila Lola?"tanong ko matapos huminto ang sasakyan ni Zack sa gilid. Nakita ko kasing naka patay ang ilaw ng bahay na hindi naman nangyayare kahit kailan.

"Baka umalis?" Sagot ni Zack saka lumabas ng kotse.

"Imposible, yung mga yaya sinama din nila?" Tanong ko at sinarado ang pinto ng kotse ni Zack.

Lumapit ako kay Zack, iba ang kotob ko, kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit ito ang nararamdaman ko.

"Tara." Sabi ni Zack at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming pumasok sa gate saka nag lakad papunta sa pinto ng bahay.

Kinakabahan ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Binuksan ni Zack ang pinto at bumungad sa amin ang madilim na looban ng bahay ko.

"Dito ka lang bubuksan ko lang ang ilaw." Sabi ni Zack at bumitaw sa pagkaka hawak sa kamay ko. Pumasok siya sa loob ng bahay at binuksan ang ilaw. Ng mabuksan na ang ilaw ay nag pasya na akong pumasok sa Bahay.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga nag kalat na gamit at mga nabasag na vase.

"What the hell is happening here?"tanong ko at nilibot ang paningin sa buong bahay.

Ang gulo ng bahay. Parang may nakapasok na mag nanakaw or--

napatigil ako sa pag iisip ng maalala ko si Lola.

"Si Lola at Mommy." Sabi ko at nag madaling umakyat sa taas. Nakita ko ang mga nag kalat na gamit sa second floor ng bahay.

"Mom, Lola nasan kayo?" Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Lola pero wala siya don. Agad akong nag punta sa kwarto ni mommy pero wala din siya don.

"Yaya! Nasan kayo?!"sigaw ko. Sobrang kinakabahan na ako lalo na at ang daming nag kalat na gamit dito sa buong bahay.

"Yaya!"

"Dragon come here." Agad akong bumaba para pumunta kay  Zack. Binuksan niya ang pinto ng stock room at agad naming nakita ang labing anim naming katulong na naka gapos at may Scotch tape sa bibig.

"What happened?"tanong ko at tinulungan si Zack na pakawalan ang mga katulong.

Inalis ko ng dahan dahan ang tape sa bibig ng isang yaya.

"Nasan sila Mom and lola? Anong nangyare dito?"tanong ko. Bakas sa kanilang mga mata ang takot.

"Ma'am Tanya... may may mga lalaking pumasok kanina dito sa bahay at... At sinaktan sila seniora at madam. Kinulong po nila kaming lahat dito sa stock room."sabi nito kaya agad akong kinabahan.

"Tulungan mong pakawalan ang ilang mga kasama mo."sabi ko at nilabas ang phone ko saka tumawag ng polis.

Matapos kong tawagan ang polis ay pina kalma ko ang ilang mga katulong namin na umiiyak.

"May nasaktan ba sa inyo? Namukhaan niyo ba ang mga lalaking yun?"tanong ko.

"Hindi po ma'am." umiiyak na sabi ng isang katulong.

"Sapilitan po nilang ipinasok si seniora at madam sa itim na sasakyan." Sabi naman ng isa.

Napa pikit ako sa kaba. Naramdaman ko ang pag yakap ni Zack sa akin.

"Hahanapin natin ang lola't mama mo." Sabi ni Zack at hinalikan ang buhok ko.

"Paano pag may gawing masama ang kumuha sa kanila? Sino bang gagawa non sa kanila." Naluluha kong sabi.

"Ma'am, nanjan na po ang mga polis." Mula sa pinto ay pumasok ang mga polis na tinawagan ko.

Si Zack ang kumausap sa kanila. Pina punta muna ako ni Zack sa kwarto kasama ang isang katulong namin para samahang kunin ang inhaler ko.

Josko, wag naman sana nilang galawin ang lola ko.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Bad Girl In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon