CHAPTER 27

95.1K 3.2K 725
                                    

Chapter 27

UMAWANG ang kanilang mga bibig at pinakatitigan ang aking anak kaya't itinago ko siya sa aking likod.

"K-kamukhang-kamukha niya si-oh, God! Lucio!"

Ma'am Leticia was shaking in horror. Nakatulala naman ang kanyang asawa na hanggang ngayon ay tila hindi pa rin makapaniwala. Para siyang tinuklaw ng sarili niyang alagang ahas.

"Pa'nong--teka."

Bagama't itinago ko sa aking likod si Sagan ay sumilip naman ito at binati pa ang mag-asawa.

"Hello! My name is Sagan Bautista," nakangiting sabi ng anak ko.

"H--hi..."

I saw how the tiny drops of tears fell from Leticia' eyes.

Akmang hahawakan niya si Sagan sa kamay nang mabilis kong hinila palapit sa akin ang aking anak. I heard her gasped.

"It's nice meeting you again, Ma'am Leticia, Sir Lucio. Pero may naghihintay po sa amin kaya kailangan na naming umalis. Excuse us," sabi ko at dali-daling hinila si Sagan palabas ng department store.

Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang pagtawag ni Leticia Dela Vega ng aking pangalan.

"Serenity, wait!"

Mas binilisan ko pa ang paglalakad. I'm not afraid of them for I know they will eventually know about Sagan. Tanggap ko na iyon sa sarili ko. Ngunit kahit dulo ng buhok ng anak ko'y hinding-hindi ko papayagang mahawakan ni isa sa kanila.

"Mom? Why are we running?"

"We're not running, baby, we're just walking fast."

"You are walking but I'm running," my son whined.

Saglit akong natigilan at biglang natauhan. Ang isang hakbang ko pala ay katumbas ng tatlong hakbang niya. Bigla akong napatigil nang nasa labas na kami ng department store.

"Sorry, anak. Nagmamadali kasi si mommy. Naghihintay na kasi sa atin ang tita Marga at tita Rufa mo."

He just shrugged his shoulders in agreement, "Okay, mom."

Nang lumingon ako sa department store ay hindi ko na makita ang pigura ng mag-asawa. Marahil ay nando'n pa rin sila sa kinatatayuan nila kanina. Masyadong malawak ang lugar kaya't hindi mo makikita ang dulo kapag nasa kabilang dulo ka.

"Besh!"

Saktong pagpasok namin sa boutique ay palabas na rin ang dalawa. Nagpasalamat ako sa pagkakataon.

"Kumain na muna tayo? Nagugutom na ako," sabi ko.

Pinandilatan ko silang dalawa. I fished out my phone and sent the same text message to both of them.

We need to leave this floor, ASAP. We accidentally met the Dela Vega couple inside.

Marga's mouth formed a perfect O. Nanlaki naman ang mga mata ni Rafael at tiningnan si Sagan.

"Nakita nila?" pasenyas niyang tanong at inginuso si Sagan.

Tumango ako. He gasped in surprise.

Sinenyasan ko silang umalis na kami. Mabuti na lang at walang kamalay-malay ang anak ko sa nangyayari.

"Baby? Gusto mo bang kargahin na kita para 'di ka na mapagod?" suhestiyon ni Marga kay Sagan ngunit mabilis na tumanggi ang bata. Mabagal kasi kaming maglakad dahil malilit ang kanyang hakbang.

"Thanks, Tita Marga, but I'm strong, remember? I can even run!"

Natawa ako. Napakamot na lamang sa ulo si Marga. Wala kaming nagawa kundi ang dahan-dahanin ang aming mga hakbang para hindi mapag-iwanan si Sagan. Mabuti na lamang at nakarating kami agad sa restaurant nang hindi nagku-krus ang landas namin ng mag-asawang Dela Vega. Not that I'm afraid of them. Ayaw ko na talaga silang kausapin dahil gusto ko na silang ibaon sa limot nang tuluyan.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon