CHAPTER 12

76.5K 2.5K 191
                                    

Chapter 12

When a man cheats— he's lustful but when the woman cheats— she's unfaithful. Who do you think went wrong? The answer is neither. Neither the man nor the woman. God created love to unite a man and woman and created lust to incline them in order to produce offspring which later on can expand unto a community. Love and lust should always be of equal amount because an excess against the other is a limbo. A relationship with more lust than love is frangible while a relationship with more love than lust is futile. Thus, producing an emotional phenomenon called heartbreak.

Heartbreak weakens the ego but it strengthens the heart. No book can teach you the steps of moving on because no two hearts can have the same wounds...

Marahan kong itiniklop ang librong binabasa ko. It's a newly published book by my favourite writer—Greatfairy. Natuwa ako dahil naabutan ko pa ang kaisa-isang kopya nito sa bookstore. I've been collecting her books for two years now. The Epilogue is her latest novel and I did not regret buying the copy. The feeling is still the same everytime I read her works. It feels like I am reading an adventure of my alter ego.

Wala akong ginawa sa buong linggo kundi ang magmukmok at magbasa ng libro. Minsan ay nakikipag-usap ako kay Marga, nakikibalita tungkol kay—

Bumuntonghininga ako. Kahit anong iwas kong mabigkas ang pangalan niya'y hindi ko magawa. Pakiramdam ko'y nawala ang napakalaking parte ng pagkatao ko. Sa tuwing tumutunog ang cellphone ko'y halos hindi ako magkakaundagagang buksan ito, baka sakaling tumawag siya o text man lang, ngunit wala. It's been one hell of a week without that annoying sweet guy.

"Anak?"

Napalingon ako sa pintuan. Nando'n si Mama, nakatayo.

"Oh, Ma? Nakauwi na pala kayo. Si Papa?"

"Ayun, nagkakape sa labas." Naupo siya sa gilid ng kama ko.

"Sa makalawa luluwas ka na naman para makapag-enroll sa second semester pero hanggang ngayon hindi ka pa rin lumalabas ng bahay. Wala ka bang balak mamasyal man lang kasama ng mga pinsan mo?"

"Wala ako sa mood, Ma. Isa pa, may binabasa ako nobela."

Mama looked at me unconvinced.

"May binabasang nobela o iniiwasan mo lang na magkrus ang landas n'yo ng pinsan mo?" aniya. Natahimik ako.

Nang tuluyan na akong naka-recover ay hindi ko naiwasang magsalita ng saloobin ko.

"Ma, alam mo namang kailangan kong mag-focus sa pag-aaral, 'di ba? Ayaw ko muna silang isipin sa ngayon. Saka na kapag naka-graduate na ako," tugon ko. Sumandal ako pader ng kuwarto.

"Anak, kung nasasaktan ka pa rin, bakit ayaw mong ilabas? Hindi ako mapakali dahil ilang araw ka nang hindi masyadong nagsasalita. Hindi ka rin nakikipaglaro sa kapatid mo, kagaya ng nakagawian mo," puna ni Mama.

It's true. Pansin ko ring naging mabilis ang pagbabago ng mood ko. Minsan mabilis akong mairita lalo na kapag tinatanong ako tungkol sa maga bagay na wala naman akong interes.

"Huwag kang mag-alala, Ma, tanggap ko na ang nangyari. At napatawad ko na rin silang dalawa. Kahit maglupasay pa ako, hindi ko naman maibabalik ang dati, 'di ba?"

Umiling si Mama bilang pagtutol.

"Hindi, anak. Alam kong binabagabag ka pa rin ng pangyayaring iyon. Naiintindihan ko naman dahil hindi naman talaga basta-bastang makakalimutan iyon. Bata ka pa, mas marupok ang puso mo ngayon. At kahit anong sabihin mo, hindi ako naniniwalang ayos ka na. may bumabagabag sa 'yo."

Lihim akong napahanga kay Mama. Ang totoo'y naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Naghahalu-halo ito. Kalahati ng puso ko'y nasasaktan pa rin dahil sa nangyari sa amin ni Ronald ngunit kalahati rin ang nawawala. Tila may malaking puwang sa puso ko na kailangan punan.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon