CHAPTER 16

82K 2.7K 405
                                    

Chapter 16

"S-SALAMAT sa pagsundo at paghatid."

Tipid akong ngumiti kay Sid nang humimpil ang kotse niya sa tapat ng quadrangle. Maaga pa lang kanina ay nagulat akong nasa tapat na siya ng apartment ko at naghihintay sa akin.

"You should get used to it," malambing niyang tugon. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi pa rin ako sanay na tinitigan niya nang gano'n.

His stares were full of intensity. Kung yelo lang ako'y kanina pa ako natunaw.

"Hindi ka na dapat mag-abala pa sa 'kin, Sid. Baka ma-late ka pa sa OJT mo."

He shook his head, "Nope. I can manage. Hindi ako mapapakali kung hindi ko masigurong nakapunta ka ng school nang ligtas."

"Wala namang mangyayari sa 'kin, ano ka ba? Besides, sanay na akong pumunta ng school nang mag-isa. Liban na lang kung daanan ako ni Marga."

"I insist, my lady. Hintayin mo ako mamaya, I'll be late for 30 minutes dahil babiyahe pa ako."

"O-okay," sumusukong tugon ko saka kinalas ang seatbelt.

Mabilis siyang bumaba at umikot para pagbuksan ako ng pinto ng kotse. Ayos lang naman sa akin kung susunduin niya ako sa apartment kung pareho lang ang destinasyon namin, pero ngayong magsisimula na 'yung pasok niya sa firm na pagtatrabahuhan niya para sa on-the-job training, tiyak na malaking abala ako sa kanya.

"P-pero kung pagod ka na, huwag ka nang tumuloy, ha? Dumiretso ka na lang sa pag-uwi para makapagpahinga ka nang maaga," sabi ko nang makababa na.

"Hinding-hindi ako mapapagod pagdating sa 'yo, Serenity. Tandaan mo 'yan."

Marahan niyang kinuha ang buhok na tumatabing sa aking mukha saka isinabit sa kaliwang tenga ko.

"Kung puwede lang sana kitang isama." Mariin niya akong tinitigan.

His breath was almost fanning my face. Tila kinakabisado niya ang bawat detalye ng aking mukha.

"God! I could stare at you the whole day," he mumbled softly.

"A-ahh, m-mauna na ako?" kinakabahang tugon ko.

Pilit akong ngumiti. Ang totoo'y rinig na rinig ko na ang tibok ng puso ko. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa nangyari kahapo'y ito na naman siya.

Malungkot siyang ngumiti saka ibinaba ang kanyang kamay.

"Alright. I'll see you later," he replied.

"S-sige, ingat ka."

I saw how his lips twitched until it formed a smile. He even bit his lower lip. Biglang tila'y naging kamatis ang kanyang pisngi.

"Ingat ka," pag-uulit niya sa sinabi ko.

"Ingat ka..." pag-uulit niya ulit saka tumingala sa langit. He stared back at me in a second.

"Those are my favorite words for today," he exclaimed.

Nag-init ang magkabilang pisngi ko.

"H-hindi ka nakarinig ng ingat ka mula sa iba? Sa mommy mo? Sa daddy mo? Sa mga kabarkada mo?"

I pity him. I stared at him sympathetically. But I almost heard myself gasped with the next thing he said.

"Every simple word becomes special to me when it's coming from you, my lady..."

Saglit akong natulala sa kanya.

"Please take care as well. See you later."

Sa sobrang pagkatulala ko'y hindi agad ako naka-react. Namalayan ko na lang na nakapasok na agad siya pabalik sa kotse niya. He waved at me before starting the engine.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon