CHAPTER 17

81.3K 2.7K 285
                                    

Chapter 17

"THIS is all my fault."

He massaged his temple, looking frustrated. Tila pasan-pasan ko ang mundo kung makapag-alala siya sa 'kin. I don't even understand why he's acting like this. Parang siya iyong nasampal ni Leslie kung makaaktong galit.

I reprimanded Marga for telling Sid about what happened. Maliit na bagay lamang iyon at ayaw kong lumaki, baka lalong gumulo at pag-initan ako ni Leslie.

Pagkasundo niya sa akin ngayong hapon sa university ay agad niyang sinipat ang pisngi ko. He almost inspected my whole body for assurance.

"Alam mo, ang mabuti pa umuwi na tayo. Huwag mo nang puntahan si Leslie baka akalain no'n nagsumbong ako," sabi ko.

"Of course, dapat malaman niya para tantanan ka niya. I bet, you never have any plans in telling me, do you? If it's not because of Marga, hindi ko pa malalaman," he insisted.

Napasentido ako.

"Kasi nga hindi naman importante 'yon. Tsaka, hindi na ako bata, Dela Vega—"

"But you're my baby. No one lays a finger on you or they will meet hell."

Napanganga ako, "Seriously?"

"Do I look like I'm joking?" he jerked.

"O, kalma lang. Para kang lalabas sa buto mo," sabi ko. Hinawakan ko siya sa kanang kamay kaya't natigilan siya. Maging ako'y naestatwa sa kuryenteng dumaloy sa balat ko.

"Sid, natutuwa ako na nag-alala ka sa 'kin, pero please huwag na natin palakihin iyon dahil sinisigurado ko sa 'yong hindi na iyon mangyayari pa. Iiwasan ko na si Leslie."

He sighed in defeat. Nagulat ako nang dinala niya sa kanyang labi ang kamay ko't hinalikan ang likod niyon. He held his eyes closed while kissing my knuckle as if he's savouring every second of it.

Our eyes met when he opened his. Ibinaba niya ang kamay ko ngunit hindi pa rin niya binibitawan iyon.

"Iniingatan lang kita," deklara niya. I looked away to hide rising emotion. Parang kaunting-kaunti na lang ay bibigay na ako sa lalaking ito.

"S—salamat."

And I hate myself for stuttering everytime he's this close to me.

"If that's what you want, I'll let this pass, but I cannot promise to stay calm the next time she hurt you again."

Wala sa sariling napatango. Watching his gestures slowly melts something inside of me. How can he act like I'm too precious for him to get hurt? Do I deserve this guy? Hindi ko mapigilang mapatanong sa sarili ko.

"Ay naku, hindi pa kayo mag-jowa sa lagay na 'yan, ha. Tiyak na nagpupulong na 'yung mga langgam sa buong Pilipinas para magprusisyon papunta sa inyo."

Namilog ako nang marinig ang boses ni Marga. Ngayon ko lang naalalang sinamahan pala niya akong hintayin si Sid.

"A—ahhh..." I stuttered. Agad kong binawi ang kamay ko mula kay Sid. Pinanlakihan agad ako ni Marga ng mga mata.

"S—salamat pala sa pagsama sa 'kin, besh." Ngumiti ako nang pilit. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil basang-basa ko sa mga mata niya ang panunukso.

I felt my face heated up. Nang tiningnan ko si Sid ay nakangisi na ito na tila aliw an aliw pa sa sinabi ng kaibigan ko.

"Ay naku, don't mention it. Ayos lang naman sa 'kin na kinalimutan mo ako nang dumating si Fafa Sid basta okay ka na. Huwag kang mag-alala, Fafa Sid, akong bahala kay Leslie," ani pa ni Marga.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon