CHAPTER 20 - Jealousy

Start from the beginning
                                    

“Yes, Ma'am!”

“Okay, so sa unang grupo ay sina, Harvy, Freya, Hiro, Nathalie at Oswald.” Nagsipagpuntahan na sila sa harapan. Si Oswald ang Leader ninyo, understand?” Nagsipagtanguan silang lima.

Pangalawang Grupo. Makinig ng mabuti, Class.” Nanahimik naman ang buong klase at nakinig ng maayos. “Madison, Sabrina, Loyd, Alvin, at Alanis. Ang Leader naman ninyo ay si Madison, Okay?”

“Okay po.”

“Good. Now, on the third group.” Nangunot ang noo ko ng ngumisi si Ma'am. “Hmm, Okay.” Nagpatangu-tango pa siya na parang kausap ang Papel na hawak. Kenshi, Hopper, Grover, Saiyan and Sigrid.” Naglakad na kaming lima papunta sa harapan. “Kayo ang ikatlong grupo at gusto kong si Miss Garcia ang maging Leader ninyo. Is that okay with you, Sigrid?” Napatingin kaming apat kay Sigrid.

Nanlalaki ang mga mata niya habang nakaawang ang labi. Kapag may gagong langaw na pumasok sa bibig niya, Malas niya.

“Sigrid?” Untag ni ma'am sa kaniya.

“O-of course, Ma'am.”

“Great. So for the fourth group ..... ”

Nagpatuloy na si Ma'am sa pagtawag sa mga pangalan ng iba pang magkakagrupo. Nanatili rin naman kaming nakatayo sa harapan para abangan ang susunod niyang announcement.

“Okay. Group leaders, Listen to me carefully.” Tiningnan isa-isa ni Ma'am ang bawat Leader ng bawat grupo. “Regarding dun sa reklamo ni Miss Macalintal kanina na may mga ibang hindi marunong makipag-cooperate,” She clasped her hands together. “Kayo ang Leader kaya trabaho ninyong disiplinahin ang mga members ninyo. Kailangan niyo ring tanggapin at i-consider ang lahat ng mga ideas nila at siguraduhin ninyong tutulong talaga sila sa gagawin ninyo. Okay? At kapag may mga matigas pa rin ang ulo na kampanteng magkakaroon pa rin sila ng Grades kahit hindi tumulong, that's a big No to me. I-report ninyo kaagad sa akin at ako na ang bahala sa kanila. Maliwanag?”

“Yes, Ma'am.” Tugon ni Sigrid at ng iba pang group leaders.

“I want all your research papers on Monday so better work on it before the due date. Nagsitanguan kaming lahat. “Okay, Class. Dismiss. I'll see you again on Monday.”

Hays! Saturday na naman pala bukas. Bakit ba ang bilis ng araw? Pero teka, saan kami gagawa ng research paper ngayon?

SIGRID’S POV :

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now