CHAPTER 19 - Trouble

Comenzar desde el principio
                                    

Dinig ko na rin ang mga yabag ng tatlo sa likuran ko kaya nagpalunuk-lunok ako. Malapit na akong himatayin kaya sana dumating na si Kenshi.

"Anong pangalan mo?!!"

Napatalon ako sa lakas ng boses ng lalaki.

"S-Sigrid .." i replied, fidgeting my fingers. "Sigrid Garcia."

"Nice name." Nakangising sambit ng unggoy. "I'm Mori, and this man beside me is Macky." Kinindatan ako ni Macky kaya gusto kong masuka. "Siya naman si Luke at iyon si Alamid." Tinapos niya ang pagpapakilala sa mga kasama niya.

"O-okay.." sambit ko. "Aalis na ak- "

"Are you that dumb para hindi maintindihan ang sinabi kong aalis ka lang kapag sinabi namin?!" Bulyaw sa 'kin ng naka-bonnet na walang iba kundi si Alamid. "Dito ka lang naintindihan mo?!" Tinulak niya ako dahilan para sumalampak ako sa mabatong daan.

It hurts. Fucking hurts. Napaluha ako ng di oras lalo na nang makita kong nagdurugo ang nagasgasan kong palad na tumama sa magaspang na bato.

"Chill, man." Nakangising tinapik tapik ni Samuel ang balikat ng gagong unggoy na nagtulak sa 'kin. "Hindi naman natin siya kailangang saktan e."

"Fuck you, Samuel." Naglakad na naman palapit sa 'kin si Alamid. "Nasaan ang mga tropa mong pekeng mga bad boys ng HIS?"

Imbes na sagutin ko siya ay mas inuna ko pang tumayo at pagpagin ang sarili ko kahit mahapdi ang mga kamay ko.

"Uulitin ko," Tinitigan ako ng diretso ni Alamid. "Nasaan ang mga tropa mong - "

"Wala akong alam at wala akong pakialam!!" Sigaw ko sa pagmumukha niya kasabay ng pagtuhod ko sa maselang bahagi ng kaniyang katawan.

Naging hudyat ko na rin 'yon para tumakbo pero naging alerto din ang mga tropa niya na agad akong hinabol at pilit hinaharangan ang daraanan ko pero sa tuwing napapalapit sila sa akin ay buong puwersa ko naman silang itinutulak.

"Tulong! Tulong!!" Sigaw ko. Umaasang may makakarinig sa 'kin at tulungan ako. "Tulong- ummpp!! ummmpp!!" Pilit kong tinatanggal ang kamay na nakatakip sa bibig ko kasabay ng pagsalakay sa akin ng matinding takot kaya napapikit na rin ako. "ummpp- ahh!"

"Tahimik."

Oh god!

"Kumalma ka na. Ako lang 'to. Open your eyes, Sigrid." Natatakot akong buksan ang mga mata ko. Natatakot akong makita ang mga pagmumukha ni Alamid at ng grupo niya. "C'mon, Garcia. Open your eyes and look at me." Naramdaman ko ang paglandas ng mga daliri niya sa pisngi ko kaya kahit papaano ay nakahinga na rin ako ng maluwag.

"K-Kenshi .." Sambit ko sa pangalan niya nang mukha niya ang tumambad sa paningin ko. "Kenshi!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at napayakap ako sa kaniya.

I'm safe now.

"Bakit ka ba tumatakbo?" Tanong niya na yumakap na rin sa 'kin. "Siggy .. Look at me and tell me what exactly the fuck — "

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora