Epilogue

7.1K 217 25
                                    

Napatingin naman ako sa singsing ko at hindi ko mapigilang hindi ngumiti.

It's been years at sa wakas babalik na ako!

Actually nasa NAIA na ako, kakalapag palang ng eroplanong sinakyan ko.

Kyaaaaaaaaaah!

Excited na akong makita sila.

Pupunta ako ngayon sa Studio na pinatayo nila.

'The Outcast'

Grabe nga sila, talagang hindi maiwan-iwan ang Musical Academy.

Napakunot noo pa ako nang makitang sobrang busy ng studio.

Bumaba ako sa sasakyan at tinanong yung isang staff kung nasaan ang boss nila.

Sinagot naman niya ako na nasa loob kaya pumasok ako.

Nakita ko namang nandoon si Amanda at Elena.

"Amanda! Elena!" napalingon naman silang dalawa sa akin.

"Kyaaaaaaaaaaah! Nakabalik ka na!!!! Waaaaaaaah! I miss you! Pero ang ikli na ng buhok mo, shoulder length nalang. Pero okay lang naman, you're super pretty pa rin." sabi ni Elena kaya napangiwi ako.

Napalingon naman ako sa paligid at pansing busy nga ang lahat.

Nakasuot pa ng dress ang dalawa.

"Antrip niyo? May kasal ba? Bride's maid kayo?" tanong ko at nakita ko naman silang tumango.

Sabay pang napalunok.

Ba't ba nate-tense 'tong dalawa.

"Sinong ikakasal?" tanong ko.

"Saka nasaan si Andrei?" tanong ko uli pero hindi ko maiwasang kabahan nang makakita ako ng pangamba sa mga mata nila.

"NasasimbahansiAndrei!" napanguso naman ako sa sagot ni Amanda.

"Ha? Di kita maintindihan." sagot ko.

"Friend, h'wag kang magagalit ah? Si Andrei kasi, siya ang ikakasal sa. . ibang babae nga lang." nanlamig naman ako dahil sa narinig.

Nagsituluan ang mga luha ko.

Kaya naman pala hindi siya nainip kasi may pinagkakaabalahan na siya rito.

"Paano nangyari yon?" tanong ko sa kanila habang pinipigilan ang sariling mag-breakdown.

Umiling silang dalawa.

"Sorry friend, nasuntok nga 'yon ni Loki nang malaman naming ikakasal siya ngayon." sagot ni Elena kaya hindi ko na mapigilang mapahagulhol.

"Sama ka? May extra pa kaming damit diyan." napatingin naman ako kay Elena dahil sa sinabi niya.

Pupunta ba ako?

Paano kung magbago pala ang isip niya kapag nakita niya ako?

Oo nga, sabi niya hindi niya ako iiwan.

Baka pinagti-tripan lang ako ng dalawang 'to.

"Dali na friend! 10am ang kasal!" dali dali naman nila akong inayusan.

Pinasuot nila ako ng white long gown.

Tube ito at may slit sa kanan.

Nilagyan pa nila ako ng flower crown.

"Dapat mas maganda ka sa bride nang magising na si Andrei sa kahibangan niya." sabi ni Amanda na siyang sinang-ayunan ni Elena.

"Ito na yung shoes mo Theresse, mag madali na tayo para mapigilan pa natin ang kasal." hihigitin na sana nila ako nang hawakan ko an kamay nila.

Musical Academy (Pop Star High): When Love Occurs [Completed]Where stories live. Discover now