Chapter 14

4.7K 177 3
                                    

Napairap naman ako nang tuluyang umalis si Prof.

My Gad! Napaka-unprofessional niya!

Mabuti nalang once a week lang ang P.E. kung hindi, ewan ko nalang.

"Yan kasi, attention seeker! Akala naman niya hahangaan siya sa pagiging mabait! May pasabi sabi pang 'madali lang po kasi akong hingalin Prof kaya tumigil ako pagkatapos kong matapos ang 5 laps. Then naisipan ko nalang sabayan si Dina! Pssh!" sabi ng isa sa kaibigan ni Karelle at Nadia.

Napailing nalang ako sabay lapit kina Amanda.

Nakita ko pang sinundan ako ng tingin ng ibang estudyante.

Nakita ko ring nakatitig sila Lance sa akin pati na rin yung Andrei nang sabihin iyon ng kaklase nila, tinitingnan yata kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Hahaha, good luck ABM 1! Nangangamoy bagsak na kayo! Hahahaha!" nakita ko namang napasimangot ang mga ka-klase ko!

Inasar-asar pa kami nang ABM 2 bago sila tuluyang umalis.

Nakita ko namang tumayo yung isang ka-klase ko at tiningnan ako ng masama.

"Ikaw kasi eh! Mas gugustuhin ko pang mag-push up o 'di kaya pagulungin sa putik kaysa magkaroon ng failing grade! At talagang sa P.E. pa!"

"Oo nga! Feeling hero kasi! Sana naman sa susunod, mag isip rin muna pag may time!"

"Hindi yung ganyan! Ang bobo kasi!" Napapikit na muna ako ng mariin saka tumingin sa kanila.

Pinamewangan ko naman sila at isa-isang tiningnan.

"Bakit? Kasalanan ko bang mas ginusto kong samahan si Dina sa pagtakbo? Ha? Is it my fault kung mas pinili kong tulungan siyang tapusin ang pagtakbo nang hindi siya nadi-distract sa mga pangla-lait niyo? Ha? At saka sino ba kasing may sabing gusto kong magkaroon ng failing grade? Did I say something like that? Do you think I am that idiot para hindi panindigan ang ginawa kong desisyon? Ang babaw niyo eh! Ako pa talaga ang bobo? Really? So anong tawag niyo sa sarili niyo? Matatalino? Aba naman mga classmates! Hiyang hiya ako promise! Edi kayo na ang grade conscious! At saka kung wala naman pala kayong sasabihin na maganda? Pwedeng manahimik nalang kayo? Nakakawala kasi ng respeto! Hindi ko ini-expect na ganito pala ka-kikitid ang utak at kasasama ng ugali ng mga estudyante rito! Bago kayo manghusga siguraduhin niyo munang perpekto kayo! Bago kayo mamintas siguraduhin niyo munang walang kapintas-pintas sa inyo!" sabi ko.

Napapikit uli ako ng mariin.

Pinipigilan ang sariling mag burst out uli.

Nakita ko namang napayuko sila.

Pansin ko ring napaluha na si Dina at sina Elena.

Napailing naman ako sabay ngisi.

"Sorry ha? Sorry classmates! H'wag kayong mag-alala, hindi ko naman kayo ibabagsak. Nakakahiya naman kasi sa inyo. Nakakahiya." Sarcastic kong pagkakasabi sabay iling.

"Una na muna ako ah? Hahanapin ko na muna ang captain ng cheerleading squad nang matanong ko kung kailan magsisimula ang training. Kuyugin niyo pa ako kapag bumagsak kayo sa P.E. jusko!" sabi ko sabay walk out.

Nakaka-imbyerna sila! Pramis!

* - * - * - * - *

Nang mag-walk out si Maria ay agad naman itong sinundan nila Elena.

Napatingin pa muna sila sa mga kaklase nilang nakayuko at sobrang tahimik.

Mukhang natamaan yata sa sinabi ni Maria.

Habang si Dina naman ay hindi mapigilang hindi umiyak.

First time kasing may magtanggol sa kanya sa iba at ipinaramdam sa kanyang hindi big deal ang size ng katawan niya.

Nagui-guilty rin siya dahil sa parusang naibigay kay Maria.

Pagkalipas ng ilang minuto ay isa-isang umalis ang mga kaklase.

Ang iilan sa kanila'y lalapit muna sa kanya at magsasabi ng sorry.

Hindi niya tuloy mapigilan ang sariling hindi mapahulgulhol.

Kung hindi siguro dahil kay Maria ay never niyang maririnig ang salitang iyon mula sa mga kaklase.

* - * - * - * - *

"Hala! Saan kaya nagpunta ang babaeng yun? Ang bilis niyang maglakad ah? Nasa karera lang ang peg?" sambit ni Janine kaya nabatukan siya ni Pres.

"Manahimik ka na nga lang. Pumunta na nga lang tayo sa tambayan ng cheerleading squad baka nandun na si Maria!" magsisitakbuhan na sana sila nang may tumayag kay Pres.

"President Aki!" napatigil naman sila at napatingin sa sumigaw.

"Pinapatawag ka ng dean." sabi nito kaya napakunot noo si Pres.

'Ano kaya ang kailangan sa akin ng Dean my loves?' bulong nito sa sarili.

"Mauna nalang muna kayo guys, tawagan niyo nalang ako kapag nakita niyo na si Bebe Maria." sabi nito sa mga kasamahan.

* - * - * - * - *

President Akihiro's POV

Yikes! May POV na'ko!

Ang dyosa ko talaga.

Nang nasa tapat na ako ng Dean's office ay kakatok na sana ako nang mapansin kong nakaawang ang pintuan.

Pero dahil nga sa tinuruan ako ng butihin kong mga magulang ng GMRC ay kakatok pa rin ako pero agad rin akong napatigil nang marinig kong may kausap si Dean.

"Really? Ewan ko nalang talaga sa batang 'yun. Pakibantayan nalang siya ng maayos ah? Saka h'wag ka nalang magpahalata, ayaw kasi nun na may nagbabantay sa kanya." sabi ni Dean.

Omo! Sino ang pinababantayan niya? Sumagot naman ang taong kausap ni Dean.

Alangan namang multo ang kausap ni Dean, Akihiro ano?

"Sure. Babantayan ko siya ng maayos. Mauuna na muna ako." Napasinghap naman ako nang marinig ko ang boses ng kausap ng Dean my bebe loves.

Omo! Close pala sila ng Dean?

Dali dali naman akong naghanap ng mapagtataguan nang makarinig ako ng yabag papalapit sa pintuan.

Waaaaaaah! Sa'n ako magtatago?

Ay wait na muna!! Taym perst!

Baka mahuli akong nag-eeavesdrop!

Nang papalapit na talaga ay dali dali nalang akong tumakbo papalayo sa office.

Kyaaahh!

Mamaya na nga lang ako babalik dun.

Pero napatigil at napaisip naman ako, sino nga kaya ang pinababantayan ng Dean?

Ang swerte naman yata ng pinababantayan ni Dean, ang gwapo ng magbabantay sa kanya.

Kainggit.

Musical Academy (Pop Star High): When Love Occurs [Completed]Where stories live. Discover now