Chapter 42

4.3K 145 0
                                    

Nakita kong napatigil silang lahat sa sinabi ko.

Nanlaki pa ang mata nina Elena habang sina Loki, Andrei, Amanda at Loveliz ay napakamot sa ulo.

"So tama nga ako. Ilang beses ko nang nakitang pumasok ang dean sa dorm niyo at nung huli ko siyang nakita ay nagsabihan pa kayo ng I love you. Napaisip naman ako na imposibleng may something sa inyo. Nang maalala ko ang sinabi ni Andrei nung nahulog ka nung nag-try ka sa cheerleading squad, hindi raw nila kilala ang kinakalaban nila. Baka pagsisihan pa nila ang ginagawa nila sa oras na malaman nila kung sino ka nga ba talaga. Idagdag mo pang ang OA ng reaction ng dean to the point na pinahiya niya si Nadia at ora-oradang fi-nire si Prof Sy. Idagdag mo pang nanonood pa talaga para i-sure na magiging okay ka lang. So pwede na ba akong detective mga friends?" binatukan naman siya ni Pres.

"Baliw! Dapat shi-nare mo sa amin yan! Kyaaaaaaaah! Wala kaming birthday gift bebe gurl. Waaaaaah!" binatukan naman ni Elena si Pres.

"Baliw, meron pang mamaya h'wag kang OA." napaisip naman si Pres.

"Oo nga no?" sabi nito kaya napailing ako.

"Oh My God! So all this time---ssssshhh!" pinutol naman nina Amanda at Loveliz nang magsisigaw na sana si Karelle.

"Ay! Sarreh! So ikaw si Angelina Theresse yung ikatlong kaibigan nila noon?" tumango naman ako.

"Wow! Hindi ko iyon ini-expect." sabi niya na sinang-ayunan ni Nadia.

"Mas nagui-guilty tuloy ako." napatawa naman ako sa sinabi ni Nadia.

"Ano ba kayo? Wala na 'yon, mag move-on na tayo." sabi ko.

"Pero, bakla. Diba dapat mamaya pa namin malalaman, ba't mo sinabi sa amin?" tanong ni Janine.

"Isasali ko kasi kayo sa cotillion ko. 18 roses and candles. Paano ko sasabihin sa inyo nai-invite ko kayo sa debut ko nang hindi sinasabing dito iyon ibe-held?" nakita ko namang tumango sila.

"Pero kyaaaaaaaaaaah! Hindi ko talaga ini-expect 'to! Hindi ko maatim na ang taong matagal na naming gustong makita at makilala eh nakakasama na namin. Iba nga talaga ang trip mo bebe gurl." napatawa ako sa sinabi ni Pres.

"I think kailangan na nating matulog. Mag-mall tayo bukas para sa gift natin sa babaitang iyan!" sabi ni Janine.

"Oo nga! Pero saan mo kami isasali bebe Maria? Sa 18 candles or 18 roses?" tanong ni Laila kaya napatawa ako.

Oo nga no?

Saan ko sila isasali?

Musical Academy (Pop Star High): When Love Occurs [Completed]Where stories live. Discover now