Chapter 8

5.2K 192 3
                                    

Nasa cafeteria kami, kasama namin si Pres, si Elena yung nagtanong kay Loveliz, yung ibang newbies at yung dalawang beking officers na si Laila at Courtney.

Hindi na sumama ang ibang outcast dahil sa may pupuntahan daw sila, habang ang iba ay mag i-stay lang daw sa dorm at ang iba naman ay nagpaiwan nalang sa garden.

Patawa-tawa pa kami dahil nga sa nag joke si Pres, nalaman din namin na mag pinsan pala si Loki at Elena, habang si Loki at Pres naman ay mag step-brother pero okay ang relationship nila sa isa't isa sadyang mainitin lang raw talaga ang ulo ni Loki at palaging inaasar si Pres.

Actually maganda ang pangalan ni Pres, tunog panglalaki.

Akihiro Gomez.

Napatigil naman kami sa pagtatawanan nang may isang grupong pumasok sa cafeteria.

"Ballerinas at ang mga head ng The Bands." sambit ni Elena kaya napalingon kami sa kanya.

Nanliit naman ang mga mata ko nang makita ko si Lance with the girl kahapon, kasama rin nila si Karelle na nakapulupot ang kamay sa braso ng isang lalaki, yung lalaki naman parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya, ni walang bahid ng emosyon ang mukha nito, is he a robot?

Napatingin naman ako sa kasama ko sa table at nakitang nayayamot sila.

"What's with you guys?" tanong ko at isa isa naman silang umiling.

"Nah, nakakawalang gana lang talaga ang mga pagmumukha nila. Tara punta nalang tayo sa dorm, movie marathon tayo. Sinong game?" sambit ni Pres kaya nagtaas naman ng kamay sina Loveliz at Amanda kaya nagtaas na rin ako ng kamay.

Nagtaas rin ng kamay sina Elena, Janine, Jane, Laila, Courtney at si Diana.

"Pass muna kami, movie marathon isn't our thing." sabi ni Jace na sinang-ayonan naman ng ibang lalaki. Pssh.

Tumango naman kami kaya umalis rin sila kalaunan.

"So kaninong dorm tayo?" tanong ni Amanda.

"Sa inyo." sabi ni Pres kaya nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ha? Ba't sa amin?" nagkibit balikat naman sila kaya napangiwi ako.

"Wala kaming movies dun." sabi ko ulit at nakita kong may iniwagayway na flash drive si Elena.

"Fine, tara na." ani ko kaya nagsitayuan na sila.

Aalis na sana kami nang tuluyan nang may magsalita sa likuran namin.

"Amanda? Loveliz?" napatigil naman kami sa paglalakad pero hindi namin nilingon ang nagsalita.

"Don't mind them." sabi ni Amanda.

"Hindi ko ini-expect na rito kaya mag-aaral. But mas hindi ko ini-expect na sa mga talunan kayo sasama." nakita kong nairita si Elena at pupuntahan sana ang nagsalita pero napigilan ito ni Pres.

Napangisi lang ako nang lumingon at sumagot si Loveliz.

"Ako, or actually kami, hindi rin namin ini-expect na nakabalik ka na pala rito." humarap naman kami sa kanila at nakitang nakayapos parin sa Karelle sa braso nung lalaki, habang yung nakaaway namin kahapon na si Nadia ay nasa tabi ni Lance.

May tatlo pang lalaki na hindi ko kilala at iilang walking skeletons silang kasama.

"What do you mean na nakabalik na pala ako rito? Hindi ako nag-abroad." sagot ni Karelle kaya napangisi ako.

Iba kaya ang ibig sabihin ni Loveliz.

"Ang ibig niyang sabihin, nakabalik ka na pala rito. Tapos na yata ang sentensya mo sa mundong ilalim kasama ang mga kapwa mo ahas." taas noong sagot ni Amanda kaya napasinghap naman ang iba.

Habang sina Elena at Pres naman ay nagpipigil ng tawa.

Nakita ko namang nainis si Karelle pero pinipigilan lang ang sarili.

"How dare you! Don't tell me hindi pa rin kayo makapag-move on sa nangyari noon? And bakit kayong dalawa nalang? Nasaan yung kaibigan niyong si Theresse?" nakita ko namang napalingon sa akin ang iba kaya nag-shrug lang ako.

"It's none of your business Karelle. As far as I've remember we're not closed ni hindi nga tayo magkaibigan. It's nice to see you here though, akala pa naman namin nilunok ka na ng mga kapwa mo ahas nung nag bakasyon ka sa underworld." sabi ni Loveliz kaya mas lalong na-irita si Karelle.

Napaawang pa ang labi ng iba.

Maybe they didn't expect na may ta-trato ng ganun sa reyna ng mga ballerina.

"Pero huhulaan ko, tin-ry kang lunukin ng kapwa mo ahas pero iniluwa ka. Plastic ka kasi, di ka raw masarap. Pffft. Sige una na kami ah? We hope na hindi tayo magkasalubong, ang sakit mo kasi sa mata. Adios" mas lalong napaawang ang mga labi nila at parang na-shock ni kahit nga si Lance hindi ini-expect na gaganunin lang ng dalawa ang ex bestie nila.

Mabuti nalang hindi ako si Theresse ngayon dahil kung hindi sasali sana ako sa panggigisa kay Karelle.

Sayang.

'Ang bad ko ba?'

'Hindi naman, sadyang ayaw lang talaga namin sa mga kagaya niya.'

"Tara na. Mahawaan pa tayo ng pagiging ahas-- oops. Sarreh." sabi ni Elena sabay sulyap kina Karelle saka nag evil laugh bago nagsimulang maglakad.

Sinabayan pa talaga ang trip ng dalawa.

Umiling nalang ako saka sumabay sa kanila.

Musical Academy (Pop Star High): When Love Occurs [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon