Chapter 27

4.5K 189 8
                                    

Kanina ko pa tinitingnan si Zach. Nasa cafeteria kami at kasalukuyang kumakain ng lunch.

"Hoy girlalo! Kanina mo pa yata tinitingnan si Zach baby. Type mo?" bulong sa akin ni Pres na inilingan ko naman.

Napatingin ako sa kasamahan ko at hindi ko mapigilang hindi kabahan.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

"Hoy mga babaita! Taralets sa auditorium ia-announce na ni Dean my loves ang results ng Clash Off!" sigaw ni Pres kaya napatawa kami.

"Haha,  O siya, Taralets amigas y amigos." sambit ni Laila kaya nagsitayuan na kami saka nagsimulang maglakad.

Napalingon uli ako kay Zach, nakita ko namang ngumiti ito kaya nginitian ko ito pabalik.

'Hindi naman siguro. ' bulong ko sa sarili.

* - * - * - * - *

"A pleasant afternoon everyone! Ngayon ko na-iaanounce ang results ng Clash Off. All of you had been very amazing. Pero kailangan talaga naming pumili.  Walang favoritism at bias ang desisyon namin. Kaya kung may problema kayo saying desisyon namin, you are free to go to the Dean's office.  I'm going to explain to you kung bakit ang club na ito ang napili namin.  And the club that who's going to perform for the opening of foundation week is. . . . THE OUTCAST! " napatayo naman kaming lahat at nagsigawan.

"Kyaaaaaaaaah! Tayo! Tayo ang napili OMG!  Aym gonna die!  Kyaaah! " sigaw ni Pres kaya mas lalong nagwala ang outcast.

Napatingin naman ako sa stage at nakita si Kuyang nakatingin sa amin.

Nginitian ko siya at nginitian niya naman ako.

I mouthed 'Thank You' at nakita ko namang napatango ito.

Lumingon naman ako sa kapwa ko outcasts at talagang makikita mo ang sobrang kaligayahan sa mga mata nila.

"Kyaaaaaah!  We did it guys!  I can't believe it!  Waaaaah! Group hug guys!" nag group hug naman kami at nagsitalunan.

"Congratulations Outcasts! You did a good job everyone! Let us give a around  of applause to outcasts! "

* - * - * - * - *

Alas nuwebe na ng gabi pero nandito pa rin kami ng outcast sa garden.

Nagkakasiyahan silang lahat, well pati na rin ako.

"Enjoying yourself?" napatingin naman ako sa taong tumabi sa akin.

"Oo naman,  ikaw?" tanong ko sa kanya.

"Do feel happy Theresse?" Napalingon naman ulit ako sa Kanya saka siya inirapan.

"You shouldn't call me that kapag nasa labas tayo Loki Ashton Vergara.  Baka may makarinig. " sagot ko sa kanya.

"Aye aye Maria Titania Marquez.  Nakausap mo na ba ang magulang mo?" tanong niya sa akin kaya tumango ako.

"Oo,  pinaalalahanan lang naman nila ako na mag-ingat at h'wag nang sumali sa mga gulo baka mapahamak na raw ako." nakita ko namang tumango siya nagulat nalang ako nang bigla niyang inihilig ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Woy! Mabigat kaya!" sabi ko at binatukan siya.

"Aray ah!" angil niya kaya napatawa ako.

"Humo-hokage moves ka eh!  Shoo!  Lumayo ka nga! " sabi ko kaya siya naman ang napatawa.

"Ay alam mo pala ang hokage moves, our dear heiress?" sinapok ko namang uli siya.

"Of course. Nag-eexist po kaya ang tinatawag ang internet. 'Di porket homeschooled ako eh ignorante na ako sa mga bagay bagay." nakita ko naman siyang tumango tango habang napangiti.

"Oo na po,  kamahalan. Ito naman binibiro ko lang eh." sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.

Napatitig naman ako sa mukha niya mang makita kong parang may pasa sa mukha niya.

"Napano yan?" tanong ko at nakita ko naman itong umiling.

Nakita ko namang medyo dumilim ang mukha niya pero agad ring napangisi ito.

"Wala lang yan,  concerned ka?  Eiiih?" sinapok ko namang uli siya.

"Alangan naman. Kaibigan kaya kita. Like such. " nakita ko namang napatigil ito at napatitig sa akin.

"Ay! Kaibigan lang?" tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Oo, may problema ka?" umiling lang ito.

"Wala naman.  Baka ikaw may problema kung gagawin ko 'to." nagulat naman ako ng halikan niya ako sa cheeks.

"Goodnight Angelina Theresse" bulong niya sabay kindat.

"Loki Ashton Vergara! Humanda ka saking bakla ka!"

Hinabol ko namang siya at saka ko nalang mapansing na nasa labas na pala kami ng garden.

Inirapan ko namang siya nang makitang kumaway-kaway pa ito sa akin.

Palibhasa ang bilis nitong tumakbo.

Hahabulin ko pa sana siya nang makita ko si Andrei na katitig sa akin.

His face was void of emotions.

Ngumiti naman siya sa akin.

Pero hindi ko alam kung bakit napatigil ako ng tuluyan.

Ngumiti siya,  pero parang may iba sa mga mata niya.

Para bang nasasaktan siya.

Musical Academy (Pop Star High): When Love Occurs [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt