Chapter 16

4.9K 185 4
                                    

Nakita ko namang napatingin sa akin sina Loveliz at Amanda na parang nagtatanong kung alam ko ba yung in-announce ni Pres.

Inilingan ko naman sila.

"So guys, dapat nandito na kayo bukas exactly 8am para makapagsimula na tayo sa pagpa-practice. Dismissed except for the officers." sabi ni Pres at bumaba sa stage.

"Woy Maria! Okay na ba you?" tanong ni Pres nang makalapit na ito sa akin.

Tumango naman ako.

"So kamusta naman ang pagpunta mo sa captain ng cheerleading squad?" sabi ni Elena.

"Okay lang, kailangan ko lang daw i-prove sa kanila na kaya kong makipagsabayan. Saturday 2pm." sagot ko at nakita ko namang napangiwi sila.

"So pinayagan ka even though naka-nerd outfit ka?" tumango naman ako.

"Oo sa ngayon, pero dapat sa Saturday, ready ako. Mabuti na nga lang pasok yung weight ko sa pagiging flyer." nakita ko namang napatigil sila.

"Wait! What? Gagawin ka nilang flyer?" tumango naman ako.

"Flyer kasi yung Mikaela kaya no choice ako. Kung hindi ko raw kaya, mas mabuting magsimula na raw akong magmakaawa kay Prof Sy." nakita ko namang umiling sila.

"I-sumbong mo nalang kaya si Prof Sy Maria? Pakikinggan ka naman yata ng Dean." makahulugang sabi ni Loveliz kaya umiling ako.

"Dadating tayo diyan, okay pa naman kasi. Kaya ko pa naman, kaya saka na lang." sagot ko at nakitang nagsi-tanguan sila.

"So anong plano for the clash off?" tanong ko.

"Napaisip ako na, i-mix lahat. Yung para ida-dramatize na'tin ang nangyayari rito sa Pop Star High. May kakanta, may mag-aact, may magba-banda, but still in the end magka-kaisa pa rin tayong lahat na parang ang labo namang mangyari sa totoong buhay. Ang aarte naman kasi ng mga ballerinas. Parang ginagawa na nga nilang ka-kompetensya ang lahat." sabi ni Pres na napailing nalang sa huling sinabi niya.

Pero akita ko naman itong ngumiti bago nagsalita uli.

"Ang gusto ko kasi, yung magkaisa nalang tayo. Yung tipong kagaya dito sa outcast. Yes, we have different talents ero nagkakaintindihan naman tayo, nagkakaisa, at nagtutulungan. Ilang taon na akong nag-aaral dito pero never ko pang nakitang nag-perform ang lahat sa isang production number lang. Ang plano ko kasi, ipakita sa board members na hindi na kailangang pumili ng club, kung pwede namang magkaisa ang lahat. Yung tipong ganun?" napatigil naman sa pagsasalita si Pres nang may narinig kaming suminghot.

Si Laila at Courney.

Napatawa tuloy kami.

"Grabe ka Mother, nakakaiyak ang speech mo. Pwede ka ng tumakbo sa presedential election ng Pilipinas." sabi ni Laila habang pinapatahan si Courtney.

"Oo nga, grabe ka talaga mag-isip. Ikaw na talaga. Mabuti nalang ikaw ang naging president ng Outcast." Napatawa naman kami nang binatukan ni Pres ang dalawa.

"Ang o-oa niyo mga anak. Syempre naman, ako ang karapat-dapat na president ng Outcast, ako kasi ang pinaka-dyosa rito, diba Loki?" nakita ko namang napailing si Loki pero kita kong may ngiti ito sa labi.

"Pero hindi ko alam, may rumor kasi na nandito na raw ang prinsesa ng mga Maxwell." napatigil naman ako sa sinabi ni Pres.

"Ang sabi nga nila nasa ballerina raw kaya nga kampanteng-kampante ang mga ballerina na sila ang pipiliin." nag-tinginan naman kaming tatlo nina Amanda at Loveliz.

Nagulat pa ako nang makitang nakatitig sa akin si Loki.

Nginitian ko nalang siya pero hindi siya ngumiti.

Sa halip nagsalita siya.

"Imposibleng nasa ballerina ang heiress ng Maxwell. Masyadong maarte ang mga ballerina, eh ang babait ng mga Maxwell hindi siya bagay dun." sinabi niya yun nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Shoot!

May alam na ba si Loki about sa totoong pagkatao ko?

* - * - * - * - *

"Hoy! Gumising na kayo!" kanina ko pa sila ginigising pero ayaw talaga nilang gumising.

Naiinis na ako.

Wala akong eye glasses ngayon at tinanggal ko na rin yung fake braces except for my wig.

Napatingin naman ako kina Loveliz at Amanda na magkayakap pa habang natutulog.

Napagtripan kasi naming tatlo na matulog sa iisang kwarto kaya ayan.

Napuyat sa pakikipag-daldalan.

6:30 am na pero wala pa rin silang planong gumising.

Ang bagal pa namang kumilos ni Loveliz.

"Bahala nga kayo diyan!" sigaw ko saka tinapunan ang dalawa ng unan.

Papunta na sana ako ng kusina nang may nag doorbell.

*Ding Dong*

Pumunta naman ako sa pintuan at nakitang sina Elena, Diana, Laila, Courtney, Pres, Jane, Janine, Loki, Jace at Kyle iyon.

Napangiwi naman ako.

Bihis na bihis na sila habang ako ay nakasuot ng oversize shirt at pajamas kahit na nakaligo na ako.

"Ang aga niyo naman yata. Saka bakit kayo nandito?" nagtinginan naman silang lahat saka sumagot.

"Makikikain!" napailing naman ako saka sila tuluyang pinapasok.

"Nasaan si Amanda/Loveliz?" napatigil naman ang lahat saka tumingin kina Kyle at Jace na sabay nagtanong.

"Alam niyo, napaghahalataan na kayo eh! Type niyo no?" tanong ni Janine at nakita naman naming namula ang dalawa kaya napatawa kaming lahat.

"Nasa kwarto ko tulog." sagot ko habang natatawa, napatingin naman ako sa kanila nang makitang nakatitig sila sa akin.

"Kyaaaaaaaah! Ang ganda ganda mo pala bebe Maria kapag walang eye glasses saka braces!" sabi ni Pres saka nagtatalon papalapit sa akin.

"You look like a barbie doll. Lalo na sa freckles mo." sabi naman ni Loki habang natitig sa akin kaya nagtitili ang mga bakla isali mo na rin sina Elena at Diana.

Nakita ko namang napatawa sina Kyle at Jace.

"Akala ko ang dalawa lang ang natamaan, kasali pala ang isa diyan! Ehem! Ehem! Edi silang tatlo na ang pretty!" sabi ni Pres kaya napailing ako.

"Mas mabuting gisingin niyo na muna ang dalawang nasa kwarto na tumutulo pa yata ang laway habang magluluto ako rito kaya shoo. Mabuti nalang gumana ang instict kong damihan ang isa-saing kong bigas." sabi ko at napasigaw naman sila ng 'Ayon oh!'

Pumunta naman ako sa kusina at hindi napansing nakasunod sa akin si Loki.

Isa-isa ko namang nilabas ang hotdogs, chorizos, bacons, nuggets at itlog.

Mauubusan yata kami ng stock dahil sa mga baliw na 'yon.

Kumuha naman ako ng lalagyan at mga bowl para sa itlog.

Nagulat nalang ako ng lumapit si Loki sa akin saka nagsalita.

"Tulungan na kita,




Theresse."

Musical Academy (Pop Star High): When Love Occurs [Completed]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें