Chapter 11

4.9K 175 2
                                    

"Aray ko naman!" sabi ko sabay himas sa ulo.

Kanina pa kasi ako hinahampas nina Pres at Elena.

"Ikaw talagang babae ka! Sira! Basagin ba raw ang bintana ng cafeteria. Kaya ayan instant celebrity na kayo. Nako goodluck!" napangiwi naman silang tatlo.

Kaming tatlo kasi ang hot topic ng buong campus.

Idagdag mo pa na ang inaway namin eh isang ballerina at darling of the crowd kaya ayan.

Kung hindi lang talaga prohibited ang bullying dito sa Academy eh baka sandamakmak na ang nambu-bully sa amin.

"Eh kasi naman eh! Nakakagigil ang mga yun! Mga feelers! Sabihan ba daw tayong pathetic? Ihulog ko sya sa imburnal eh!" nanggagalaiting sabi ni Amanda kaya napatawa naman kami.

"Pero type ko yung ginawa niyong dalawa sa pagmumukha ni Nadia ah? Laugh trip yun mga besh!" sabi ni Elena kaya napatawa sila.

"Pero pabayaan niyo nalang sila, sa kung anong sabihin nila. We don't need to fight back para ipakita sa kanila ang worth na'tin, we don't need to stoop low para maka-level natin sila. Yes they do have fame and sa kanila pumapanig ang halos buong population ng mga estudyante, pero nasa atin ang tamang asal at kabutihan ng puso. Kaya pabayaan niyo nalang ang mga taong may maiitim na budhi na iyon. Pabayaan niyo nalang sila, um-absent lang ang mga yun nang mag-lecture ang teachers nila ng Good Manners and Right Conduct." nagtawanan naman ulit sila dahil sa sinabi ni Pres.

Nauna nang umalis si Loki kanina pa dahil mamaya pa ang class nito.

Mabuti na nga lang magka-klase sila pito.

Muntikan pa ngang mapa-harlem shake si Loveliz nang malaman niyang magka-klase sila.

So it's a good thing that all of us took ABM as our strand kaya magkakasama kami.

Ika nga ni Janine kanina, Destiny raw kami.

Hahaha. .

Pagkapasok namin sa classroom ay agad na nagsitigilan ang mga ka-klase namin.

May ibang sinasamaan kami ng tingin habang ang iba naman ay walang pakiaalam.

Mabuti nalang bakante ang last row kaya doon kami nagsiupan.

"Diba yang tatlong iyan ang umaway kay Nadia?"

"Oo, ang lalakas ng loob pero sa pagkakaalam ko yung dalawa lang ang nakipagsabunutan. Yung isa, yung nerd, siya yung bumasag ng bintana. Ang lalakas ng loob ano?"

"Oo nga, akala mo naman kagandahan. Saka mga feeling, akala naman nila kaya nila si Nadia eh outcast sila, ballerina si Nadia."

"Oo nga, mga feelers slash freaks."

"Graba naman ano? Kung magbulungan akala mo bulong talaga. Nag-effort pa sila mga dre." sabi ni Loveliz kaya napailing nalang kami.

"Pabayaan mo na yan bebe Love, hindi mo na ba naalala ang sinabi ni Mother Earth este Pres kanina? Yung words of wisdom niya?" sabi ni Janine.

Tumango naman si Loveliz saka kumalma.

Nagulat nalang sila nang pumasok na ang sinasabing magiging teacher daw nila.

"Annyeonghaseyo everyone! I'm Hailey Kim! Your adviser for this school year."

Musical Academy (Pop Star High): When Love Occurs [Completed]Where stories live. Discover now