Chapter 37

4.1K 146 1
                                    

"Bakit may ganto ka?" tanong sa akin ni Pres habang ipinapakita ang gamot ko na para sana sa sakit ko.

"Akin yan." sagot ko.

Nakita ko namang napatigil silang lahat.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong sa akin ni Andrei na para bang nasasaktan.

"May sakit ako. Period." kukunin ko na sana sa kamay ni Pres ang gamot ko nang ilayo niya ito.

"Kailan mo balak sabihin Maria? O may balak ka bang sabihin ha?" nang-uuyam na sabi ni Pres.

"Pagkatapos ng Foundation Week. Dun ko sasabihin. Aalis ako." sabi ko at nakita ko namang nanlaki ang mga mata nila.

"Binigyan lang ako nina Mommy ng chance na mag-aral dito Academy. Sa abroad ako magpapagamot." nakita ko namang naiiyak si Pres.

Actually silang lahat.

"Matagal mo na ba 'tong alam?" tanong sa akin ni Elena.

"Pagkatapos ng last practice nung performance na'tin para sa opening ng foundation week." sagot ko, pinipigilan ang sariling humagulhol.

"Ito ba ang reason kung bakit mo ko nakalimutan Angel?" hindi ko na mapigilan ang sariling hindi mapahagulhol.

Dahan-dahan akong tumango.

"Bullsh*t!" sigaw ni Andrei.

"Akala ko ba naaksidente ka? Then malalaman ko nalang na may sakit ka? Naglolokohan ba tayo rito Angel? At saka aalis ka? Really?" hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Hindi siya malala guys okay? Saka babalik pa ako." nakita ko namang umiling si Andrei.

"Really Angel? Babalik ka pa?" sabi niya saka kami iniwan.

Napaupo naman ako.

Nilapitan naman ako nila.

Yinakap nila ako.

"Maria."

* - * - * - * - *

Kahit na walang kasiguraduhan na darating si Andrei ay pumunta pa rin ako sa venue kung saan gaganapin ang talent portion.

Kanina pa ako kinakabahan kasi malapit na sina Elena na mag-perform pero wala pa rin si Andrei.

Hindi niya ba ako sisiputin?

Nakasuot ako ng floral dress at flower crown.

Habang ang make-up ko ay simple lang.

Maganda na raw kasi ako.

Nang candidate No. 25 na ay napagpasyahan kong sabihan ang organizer na hindi na kami sa sasali.

Nagulat nalang ako nang pumasok si Andrei.

Denim na ripped jeans at white loose sando ang suot niya.

Hindi niya ako pinansin.

He just stood beside me. Na para bang wala ako sa tabi niya.

Musical Academy (Pop Star High): When Love Occurs [Completed]Where stories live. Discover now