Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang iilang butil ng luha galing sa mga mata ko.

"To My Angel na kahit kailan ay hindi magiging akin."

"She's my Angel and I'm her Guardian."

"I'm hers, but sadly she isn't mine"

"At parang hanggang dun nalang yun."

Ngumiti uli siya.

Saka ipinikit ang mata at sinimulan ang pagkanta.

'Wise men say

Only fools rush in

But I can't help falling in love with you

Shall I stay? Would it be a sin?

If I can't help falling in love with you'

Nakatitig lang siya na parang ako lang ang tao sa paligid.

Good thing is that hindi ginagawang big deal iyon ng iba.

Pero laking gulat ko nang makita kong nakatingin sa akin si Karelle at Loki.

Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanila.

'Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be'

Napakurap kurap naman ako nang ngumiti ulit siya sa akin.

Ano ba kasi ang gusto niyang iparating sa akin?

Na ako ang childhood sweetheart niya?

Na hindi ko siya maalala?

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Loki

'Oo nga, parati nga kaming nagpupunta sa bahay ni noon, naglala--'

At sa pagkaalala ko saka lang umalis sa Manila si Ninang Aliyah nang maghiwalay sila ng asawa niya.

So that means, kung nakapunta na sa bahay si Loki, nakapunta na rin sa bahay namin si Andrei?

'Hoy Drei! Ibigay mo nga uli sa akin yang laruan ko! Bigay sa akin iyan ni Ash!'

Napatigil naman ako.

Napapikit nang maramdamang tila ba kumikirot ang ulo ko.

'So kung bigay sayo 'to ni Ash? May ibinigay na nga ako sayo diba? Dapat hindi mo na 'to tinggap Angel.'

'Ano ka ba! Parang ang bad bad ko naman kung hindi ko tatanggapin ang regalo sa akin ni Ash!'

'Heh! Ang sabihin mo crush mo siya!'

'Hoy Drei! Ano ka ba hindi ko nga crush si Ash!'

'Eh bakit sino ba ang crush mo ha? Aysus i-isumbong kita sa Mommy mo eh!' 'Ano ba Andrei! Hindi ko nga crush si Ash eh!'

'Hala! H'wag ka ng umiyak Angel. Inaasar lang naman kita eh. Uy, baka isipin nila Mommy at Daddy mo inaaway kita.'

'Inaaway mo naman talaga ako ah? Sinasabi mo pang crush ko si Ash eh hindi naman.'

Nakita ko namang pinahid ng batang lalaki ang iilang luha sa pisngi ng babae.

'Oo na. Kantahan nalang kita. Ano ba ang gusto mo?'

'Naalala mo noon yung nanonood tayo ng TV yung may ikinasal? Naalala mo yung kanta? Gusto ko yun.'

Nakita ko pang umiling-iling ang batang lalaki saka iginaya ang batang babae sa may swing.

Pinaupo niya ito at sinimulan ang pagkanta ng kantang

'Can't Help Falling Inlove With You'

'Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be'

'Take my hand

Take my whole life, too

For I can't help falling in love with you'

'For I can't help falling in love with you'

'Ang ganda talaga ng boses mo Drei! Kaya crush kita eh!'

Nakita ko namang napatawa ang batang lalaki.

'So crush mo rin si Ash kasi maganda rin ang boses niya eh?'

Nakita ko namang umiling ang batang babae.

'Hindi ah. Ikaw nga kasi ang crush ko.'

Nakita ko namang umiling ang batang lalaki at ngumiti.

'Pero hindi tayo pwede. Kay Ash ka na raw eh.'

Nakita ko namang napasimangot ang batang babae.

'Eh ikaw ang gusto ko eh. Hmp.'

'Pero diba angel naman kita at guardian mo ko? Okay na yun.'

'So hindi moko crush?'

Nakita ko namang maiiyak na ang batang lalaki.

'Crush kita pero mas nauna na kasi si Ash. Diba sabi ni Mommy mo kayo raw ang ikakasal sa future?'

Nakita ko naman tumango ang batang babae.

'Eiih kasi gusto ko tayo nalang! Huhuhuhu'

Niyakap naman ng batang lalaki ang batang babae.

'Gusto ko rin' Mas lalong umiyak ang batang babae.

'Gusto mo pala eh bakit hindi nalang tayo? Huhuhu. . Gusto ko tayo ang ikakasal tapos kakantahin mo yun! Tapos pag nagkababy tayo gusto ko ang pangalan niya Maria Titania! Huhuhu'

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Drei, Angel at Ash?

Hindi ko alam pero parang nahihirapan akong huminga nang makita kong naglalakad papalayo sa akin si Andrei.

'Anong ibig sabihin nun?'

Hindi ko alam pero tuloy tuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko.

Napahawak naman uli ako sa ulo ko nang sumakit uli ito.

Bigla pa akong napaatras nang tila ba lumalabo ang paningin ko.

Hinanap ko naman sina Pres.

Feeling ko matutumba na ako.

"Theresse" napalingon naman ako sa tumawag at nakitang at nakitang si Loki iyon.

Pero hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang siyang tinawag na Ash.

"Ash, tulong. Ansakit na. ." sabi ko sabay pinikit ang mata nang hindi ko talaga kaya.

Musical Academy (Pop Star High): When Love Occurs [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon