Prologue

14.9K 314 16
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters,  business, places, events and incidents either the products of the author's imagination or used in fictitious manner.  Any resemblance to actual person,  living or dead, or actual events is purely coincidential.

Prologue

"Mom, ilang beses ko na ba kayong sinabihan na gusto kong makilala bilang ako, hindi bilang isang Maxwell, nakakaasiwa na." sabi ko kay Mom na kanina pa ako pinipilit na baguhin ko ang desisyon.

"Paano kung bully-hin ka roon? Paano kung awayin ka o di kaya waaaaah" napailing na lang ako nang magsimula nang ngumawa si Mom.

"Darling, pabayaan mo na si Theresse. Buhay niya yan. And I know that she is old enough para gumawa ng sariling desisyon niya. Right baby?" napangiti nalang ako nang bigla akong niyakap ni Daddy.

Nakita ko namang nag-pout si Mom.

She's very childish, I know.

But she's the best mom ever.

She loves to spoil me, well kasali na rin si Daddy at mga kuya ko.

Ay, idagdag pa natin si Grandpa and Granny.

"Oo nga Mom. Saka nandyan naman si Ezekiel. No need to worry." sabi ni Kuya Kai at nakita ko namang mas nag pout pa si Mom kaya napatawa na talaga sina Kuya at Daddy.

Lumapit naman ako kay Mommy saka niyakap ito.

"Mom, you don't need to worry. Si Kuya Ez ang dean ng school sa tingin mo pababayaan niya ako? At saka, 'di porket hindi ako magpapakilala bilang Maxwell 'eh bubully-hin na ako, well maybe. Pero kaya kong labanan sila Mom. Para saan pa nga ba ang pagiging prinsesa ko ng mga Maxwell hindi ba?" niyakap naman ako pabalik ni Mom saka dahan-dahang tumango.

"Fine baby, pero pag may nag-away sa'yo sumbong mo agad ah? Reresbak-an ka namin. Saka pag may nanligaw sayo dun, pakilala mo muna bago sagutin okay?" nahagikik naman si Mommy, bipolar talaga.

"Mom/Darling" sabay sabi nila Kuya at Daddy.

Napailing nalang ako sabay ngiti.

Nag-asaran na muna kami at nag-kwentuhan saka nagpasyang magpahinga na.

"Baby, may ipapasama ako sayong mga bantay at pwede mong mahingan ng tulong kung may kailangan ka okay? No buts, that's my condition." tumango nalang ako kay Mommy and I bid my Goodnight saka pumunta sa kwarto ko.

Well, being a Maxwell isn't that simple you know, ang daming issues na nangyayari.

Idagdag mo pa ang mga plastic at pekeng mga kaibigan 'kuno" na lumalapit lang sayo pag may kailangan.

Kaya nga I chose to be home schooled kaysa pumasok sa isang normal na school eh.

Well hindi naman ako masyadong loner eh, actually may kaibigan naman ako, dalawa pa nga.

Si Loveliz at Amanda and both of them were rich.

At papasok rin sa school na papasukan ko.

And before I'll forget magpapakilala na muna ako, I'm Angelina Theresse Maxwell, 17 years old.

May tatlong kuya, sina Kuya Kai, Kuya Ezekiel and Kuya Bench.

At yes, only girl kaya super spoiled. Idagdag mo pa na wala akong pinsang babae both sides, Maxwell and Guevarra kaya mahal na mahal rin ako ng mga pinsan ko.

Prinsesa nga ang peg ko eh.

Kaya dahil dun maraming na-iintriga kung ano nga ba raw ang ugali ko o itsura.

Yes, never pa akong na-expose sa madla, napaka-overprotective kasi nila sa akin eh.

Kaya napagdesisyonan ko na, sa pagpasok ko sa prestihiyosong paaralan na iyun eh hindi ako si Angelina Theresse Maxwell, ako si Maria Titania Marquez.

Ang nag-iisang adopted daughter ng mag-asawang Marquez na sa totoong buhay ay ninong at ninang ko.

Napatawa tuloy ako.

Aym super duper excited na!

Pero I need to be serious.

Kailangan kong ipakita sa lahat na hindi lang ako basta basta, ma-Marquez man ako o Maxwell mayroon akong ibubuga.

Get ready Pop Star High!

Because I coming over and gonna lavish the devil este the talent that I have.

© Musical Academy 1.All Rights Reserved.Rikamadz.2019

Musical Academy (Pop Star High): When Love Occurs [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon